Wakas
Categories Poetry

Wakas

 

Nagmahal, nasaktan, nagmahal, nasaktan,
Nakakapagod ng balikan,
Lahat ng masasakit na nakaraan,
Sana nga’t nakaraan ay di na naranasan.

Ngunit kwento ba’y makukompleto?
Kung sa buhay ay di naranasan ito?
Siguru nga ito ang bubuo,
Sa maganda kong kwento.

Kaya, ako’y nagpapasalamat sa Poong Maykapal,
Sapagkat, ako’y Kanyang minahal.
Salitang ‘salamat’ nga ay di kayang tumbasan,
Sa ibinigay Niyang buhay na walang hanggan.

Panginoon, alam mo ang laman ng aking puso,
Wala akong kayang itago,
Sayo lamang ako nagpakatutuo,
Kahit na marami ng nagbago.

Bawat luhang pumatak,
At sa mga oras ng aking pagbagsak,
Pangako mo ang tumatak,
Na biyaya Mo, ang aking pagkawasak.

Oo, Nasaktan man ako,
Nadurug man ang puso ko,
Ngunit ito naman ang bubuo,
Nang Christ-likeness sa buhay ko.

Sa Iyo ako nagtitiwala,
Na sa bawat simula,
Ikaw ang aking kasama,
Wala Kang katulad at tunay ngang matapat Ka.

Panginoon, sa bawat pagsubok na dinaranas,
Ikaw ang aking lakas,
Ako’y Iyong ililigtas,
At Ikaw ang Siyang magwawakas.

-haksiY