I’d never expected that I will come to this point. Sa point na kung saan tinatanong ko na ang sarili ko kung worth it pa ba akong mahalin. Sa point na kung saan nagdududa na ako kung posible pa bang may magmahal sa’kin. Sa point na kung saan hindi ko na alam kung karapat-dapat pa ba ako para isang tao.
Apat na taon. Apat na taong iisang tao lang yung nakaintindi sa kung ano ang mga gusto ko. Apat na taong iisang tao lang yung nakapagtiis sa kung ano yung totoong ugali ko. At apat na taong iisang tao lang yung nakapagparamdam sa akin na mahalaga ako, na kagusto-gusto ako, na pipiliin pa pala ako.
Natatakot lang ba ako na wala nang magmamahal sa akin kagaya ng pagmamahal niya? Nasanay lang ba akong siya yung laging nandyan sa tuwing malungkot ako at walang makausap? O mahal ko talaga siya at hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil natatakot akong gibain yung mga pader na pinagkahirapan kong buuin at ipalibot ulit sa puso ko?
Baka hindi na ako. Baka hindi na ako yung tamang tao para sa kanya. Baka hindi na ako yung dapat niyang mahalin pa. Baka hindi na rin ako yung ipinagdarasal niya sa araw-araw. At baka hindi na nga ako yung hinihiling niyang makasama panghabambuhay at sa darating pang panahon.
Mas mabuti na siguro ‘to. Mas mabuti ng ibang tao na yung mahalin niya. Mas mabuti ng ibang tao na yung paglaanan niya ng oras at panahon dahil hindi ako karapat-dapat. Mas mabuti nang pakawalan namin ang isa’t-isa dahil unti-unti lang kaming nagpapatayan gamit ang mga salitang parang espadang walang pakundangang bumabaon sa damdamin naming dalawa. Ayoko nang habulin pa siya, dahil mas masasaktan lang ako. Mas mabuti ng ganito. Walang ako sa buhay niya, at walang siya sa buhay ko.