Suko na ba ako? Sa pag hingi ng tawad sayo? Sa kadahilanang nagkukulang ako ngunit hindi mo nakikita sa kabila ng lahat ng iyon, ako’y nag babago na.

Lahat ng nabitawan nating salita ay akin paring tinutupad. Hindi mo man ito nakikita sa ngayon dahil ika’y sumuko muna. Pero ako, hindi. Hindi ako susuko dahil ikaw ay ipinanalangin ko sa Diyos. Nanalangin akong, ikaw ay mamahalin kahit ano man ang mangyari. Lumalaban parin ako, kahit ikaw man ay nag hahanda ng lumaban para sa iba. Pero sana naman, hindi pa, sana namamahinga ka lang dahil ikaw ay napagod. Hayaan mong ako naman ang lalaban para sayo. Nais ko lang iparating sayo, di ka nawawala sa isip, puso at dasal ko.

Ang mga katagang “I will love you until my last breath” na binitawan ko sayo ay aking tutuparin. Papakasalan kita sa oras na handa ka na at ako’y nararapat na ulit sayo. Pasensya sa mga oras na ika’y napagod sakin. Hindi mo man nakikita, ngunit ako’y nagsisisi at patuloy na nagbabago. Huli man ito sayo, sakin hindi. Walang huli sa tunay na pagmamahal. Sana dumating ang panahon na sasamahan mo ako ulit sa laban na to, at dun masasagot ang tanong ko sa isip na “tunay mo ba akong minahal”.