WHY ME?
Categories Depression

WHY ME?

Madami kang tanong na bakit ikaw ang kailangang makaranas ng nanyayare sayo ngayon. Hindi mo alam kung ano yung pakiramdam mo, minsan wala ka namang problema pero hindi ka masaya. You are emotionally and mentally tired, kasi mas madaming negatibong bagay yun napapansin mo. Nilalamon yung ng iilang positibong bagay sa utak mo. Malungkot ka lang na wala namang dahilan, may hinahanap ka na di mo alam. Gusto mo sumaya pero di mo alam kung sa papanong paraan. Feeling ko, isa sa mga babanggitin ko, maaring malapit na dahilan kung bat ka nagkakaganyan.

Pwede kasing ikaw yung mahilig magpasaya, kaya di ramdam ng iba kung nalulungkot ka rin ba. Pwede ring, hindi ka naman broken hearted pero na fe-feel mo na gusto mo na ng katuwang sa buhay (that’s normal, pero Darling don’t rush. Mahirap pag pinilit). Isa pa sa dahilan ay hinahabol mo yun panahon, na cocompare mo yun buhay mo sa iba. Yun tipong nakikita mo yung iba naa-achieve na nila yun gusto nila sa buhay, tapos ikaw hindi pa. Gusto mong madaliin na, as in agad agad na.

Dear, bawat tao may nilaan ang Panginoon na tamang panahon. We will shine when it’s our time. Wag ka malungkot kasi hindi lang ikaw ang nakakaranas nyan. Marami tayo! Minsan nga naiisip ko ang tanda ko na, pero di ko pa naaachieve lahat ng gusto ko, pero unti unti kong naiintindihan lahat.

Ngayon, I’m on the process. Nage-gets ko na if you wait patiently, it’s really worth it. Napatunayan ko yan kasi may mga bagay na pinagdasal ko lang dati na nasakin na ngayon. Simpleng simple lang un mga bagay na un pero kuntento ako. Blessing yun para sakin. Natagalan man bago nya ibigay, ang point don is binigay nya sa tamang time.

You want peace of mind? Then get out of your comfort zone. Free yourself. Travel alone, date mo sarili mo, lumabas ka na ikaw lang, mag “me-time” ka naman. Ginawa ko yan, and you know what? Nakahinga ko ng maluwag. Grabe yung freedom. It’s our way to breathe e, yun na eexhale mo yung mabigat sa loob mo.

Nadodown ka? Save yourself. Not just for you, but for the people who loves you. Pray, and have Faith. Matibay na pananalig, and please, Love yourself more.

Wag ka makipagkarerahan sa buhay ng iba, mag pursige ka for your own good. Hindi para maungusan ang iba, kundi para sa sarili mong tagumpay. Cheer up! There’s more to life. 🌄

Regina Grace Portillo