Sa gabing magisa ka nalang,
Madalas napapaisip,
Minsan umiiyak kahit pagod na ang mata.
Nagpapalakas ng luob,
Bawat sandali ay kinakaya.

Napapatanong…
Bakit nga ba ako mag isa?

Pero sa panahong lumalangoy ka sa lungkot, sana’y wag kalimutan
May Diyos na nasa tabi mo.
Yumayakap at uma amo.

Inaantay ang pag tawag mo
” Ama, Tulungan mo ako ”
makikinig sa bawat letra,
nanglalambing, sabik sa mga kwento mong pang pelikula.

Bagong Storya ang hatid niya.
Magtiwala ka sa sinulat niya.
Dahil ang totoo, siya ang tunay na nagmamahal sayo hindi mo lang nakikita.