Nagsimula ang lahat sa salitang ‘musta?’
Sa isang tanong, nagbukas ng usapan
At doon na tayo nagkakilala
Madalas mong sabi ay wala ka naman karapatang makialaman, magalit, at magselos dahil di naman kita kasintahan
Hanggang sa magtanong ka kung ‘pwede ba manligaw?’
Ang tanong ko handa ka bang maghintay
Baka kasi may lakad ka na parang nagmamadali at di kayang makapagintay
Sumagot ako ng tignan natin kung may pag-asa, hindi ko alintana kung sa paglipas ng panahon ako ay maligaw
At ayun na nga matapos ang dalawang gabi ng paguusap
Nagulat ako paggising ko kinabukasan wala na palang mangyayaring paguusap
Dahil pagbukas ko ng chatbox bumungad sa akin ang mga salitang ‘you can’t reply to this conversation’
Matapos ang pangyayaring yun sobra akong naguluhan
At kinagabihan nagulat pa ako nang magpadala ng mensahe ang iyong kasintahan
Napa-wow na lang talaga ako kasi parang ako’y nagpalaruan
Ang tanong ko lang ‘bakit kailangan maghanap pa ng maliligawan kung mayroon ka ng ka relasyon?’
Pero hayaan na tapos na e
Salamat na lang sa pinakita mong pagaalala
Salamat rin sa panghaharana
Salamat rin sa ala-ala
Pero alam mo ba kung bakit andaming babaeng tamang hinala
Kasi yung tiwalang binigay nila sa inyo sinayang niyo at hinayaang mawala
Sana wag mo ng ulitin yung ginawa mo
Kasi baka sa susunod maumpog na  yung kasintahan mo
At patuloy ka niyang iwan
Wag mong hintayin na ikaw ay kanyang pagsawaan
At patuloy ng mabawasan at mawala yung pagmamahal niya sa’yo
Wag mong sayangin
At baka sa huli iyong pagsisihan