Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang panindigan ito, Ang magkunwaring sa iyo’y wala akong gusto. Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong lumalakas tibok ng puso ko ay para bang paghampas ng alon sa dagat na kay sobrang lakas. Sa tuwing kasama kita ay labis na saya ang aking nadarama, mundo kong dati’y kay dilim binigyan mo ng sigla, Sana dumating yung araw na bigyan mo ako ng halaga.
May isang tanong lang ako sa iyo, “Ano nga ba tayo?”