Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

10 Ways Para Maka-Move On.

1. Sa tuwing babalik at muling pinapaalala sayo ang mga bagay na di na babalik, ipikit mo ang iyong mga mata, namnamin mo ang sakit, hanggang sa mapagod ka at puso mo na ang bibitaw ng kusa.

2. Alisin mo na paunti unti ang mga litrato. Sa social media, sa wallet o sa kwarto. Palitan mo ng mga larawan ng mga taong totoong nagmamahal sayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


3. Rest. Bigyan mo ang sarili mo ng panahong magpahinga muna. Makapag isip, at mapag isa. Magdasal ka. Magtiwala ka na may plano si Lord para sayo.

4. Iiyak mo lang. Iiyak mo na lahat. Pero ipangako mo na pagkatapos, babangon ka. Tanggapin mo na ang sitwasyon.

5. Learn new things. Simulan mo ng magfocus sa mga bagay na alam mong makakabuti at makakapag pasaya sayo. Gawin mo yung mga bagay na ginive-up mo mula ng minahal mo sya.

6. Iwasan mo ng tumingin sa profile nya. Maaalala mo lang ulit lahat ng sakit. Mamimis mo sya. And that’s normal. Pero tama na, wag ka ng maghabol sakanya.

7. Make memories again. New and happy memories with your friends, and most specially, with your family. Kung dati, yung oras mo, nasa kanya lagi, now it’s time to make bawi sa mga taong minsan mong hindi nabigyan ng oras, pero nanjan pa rin para sayo kahit anong mangyari.

8. Unahin mo na lagi ang sarili, mag iwan kahit konti.

9. Never regret anything. Ginawa mo yun dahil nagmahal ka. Minahal mo sya sa abot ng iyong makakaya. Kung hindi nya nakita yung halaga nun, wala sayo yung problema. Tandaan mo yan.

10. And last but definitely the most important tip is,
“read the first letter of each tip.”

That’ right. SARILI MUNA.
Recharge, renew, regain everything that you’ve lost. Believe and love yourself first.
Hearbreak doesn’t mean it’s the end of everything.
Nagsisimula pa lang si Lord. Trust HIM.
You’re gonna meet the person that would change and make you believe in love again, when the right time comes.
However, always remember, love when you’re ready, not because you’re lonely.

Vib Nas

Send me the best BW Tampal!

* indicates required