11:11 Isang Kahilingan para sa Pusong Nasaktan. Wag mo nang habolin pa kung alam mong wala kanang halaga sa buhay nya.

“11:11”

Dalawang numero na may tutuldok sa gitna
Ito’y oras na napupuno ng hiwaga
Kasi sabi nila,
Paghinitay mo raw ang oras na to
Matutupad ano man ang hilingin mo
Tanga? Siguro, pero naniniwala parin ako
Wala naman kasing mawawala pag sinubukan ko to

Sa pagsapit ng gabi
Ako’y di na mapakali
Tinitignan ang bawat pagpitik ng orasan
Upang mapagbigyan ang isang kahilingan
Pero bago ko sabihin kung ano ito,
Pakinggan mo muna ang aking kwento.

San ba ko dapat magsisimula?
Ang hirap kasi di ko naman to nakita
Hindi ko nakita na mahuhulog ako sayo.
Na mahuhulog sa patibong ni kupido
Ngunit pinili ko paring dumeretso
Dumeretso sa piling mo
Tanga diba? Oo alam ko.
But I’d rather be this tanga
Just to make sure you’re masaya

Pero wag nating simulan sa aking katangahan
Kasi di naman don nagsimula ang mapait na katapusan

Simulan natin sa araw no’ng nasaktan ka sa paglisan nya
Umiiyak ka at pinagmamasdan kita
Ramdam ko ang sakit na dumadaloy sayong mga mata
Ramdam ko ang pait nananunuot ng paulit-ulit
Ramdam ko,
Biyak na biyak na ang puso mo.

Kaibigan kita kaya ayokong ginaganyan ka
Ayong kong nakikitang wasak na wasak kana
Kaya sinamahan kita hanggang sa mataggap mo nang wala na talaga

Ilang araw din kitang sinamahan
Ilang lugar din ang ating napuntahan
Nakikita kong unti-unti nang bumabalik ang mga ngiti dyan sayong mga labi
Nakita ko na
Unti-unti ka nang sumasaya

Pero pakiramdam ko hindi parin sapat ang pagngiti mo
Gusto kong sumaya ka
Yong masayang masayang uri ng saya
Gusto kong marinig ang yong mga pagtawa
Pagtawang umaabot sa ibang planeta
Gusto kong marinig yon sayo
At kahit ano ay gagawin ko

Ilang araw pa ang lumipas na magkasama tayong dalawa
May naramdaman akong kakaiba
Pero pinilit kong magwalang bahala

Masaya ako sa ‘twing kasama kita
Tila nalilimot ko ang sakit na nadarama
Nalilimot ko rin ang taong dulot nito
Ano ba tong ginagawa mo?

Masaya tayong dalawa
Nakikita ko yon sayong mga mata
Pero di talaga maiiwsan ang mga problema

Isang gabi inataki nanaman ako ng lungkot
Galit sa sarili at puso’y puno na ng puot
Ngunit nandyan ka.
Sanay namanakong mag-isa pero bakit kakaiba?
Hinawi mo ang puot at puso koy pinakalma
Ano ba talagang meron ka?

Pinaramdam mo sakin na mahalaga ako
Na may silbi ako sa mundo mo
Unti-unti na akong nasasanay
Sanay na akong nandyan ka
Ayoko nang mawala kapa

Ang saya nating dalawa
Pero iba na pala talaga
Iba na ang mga tinginan
Iba na ang tawanan
Ibang iba na
At yon! Umamin kana rin
Ayaw mo oa ngang sabihin sana diba?
Kasi natatakot kang may magbago
Pero sabi ko sayo “Walang magbabago, kasi kaibigan mo ko”

Alam kong kakaiba naman talaga
Pero sinabi ko yon kasi ayokong mawala ka

Pinagpatuloy natin kung anong meron tayong dalawa
Pinili nating magwalang bahala
Minsan nga natatatong ko na,
“Magkaibigan lang parin ba tayong dalawa?”

Hindi ko na ma kontrol ang sarili ko pag kasama kita
Hindi ko na maintindihan
Ang aking nararamdaman
Kaya sinabi ko sayo
Na itigil na natin to
Kasi ayokong masaktan ka ulit
Ayokong maramdaman mo nanaman ang pait
Ayokong maranasan mo ang paulit-ulit na sakit

Pero ayaw mo
Kasi sabi mo tutulongan mo pa akong makalimutan
Ang taong lagi akong sinasaktan.

At don ko napagtanto
Na ayokong mawala ang tulad mo sa buhay ko

Naging sobrang saya natin sa mga sumunod na araw
Hinayaan natin ang tadhanang magdikta
Kung ano man ang mangyayari pa

Pero ganon siguro talaga
Kung kelan hulog na hulog kana
Sya namang pagsampal nang katotohanang Wala nang sasalo pa

Naramdaman ko nalang bigla ang pagiging cold mo
Gusto kong magtanong pero anong magagawa ko?
Pinipigiln ako ng salitang “walang tayo”

Hanggang sa ikaw na mismo ang nagsabing
“Itigil na natin to.”
Nagulat ako sa dahilan mo
Na mas nahuhulog na ang yong puso
Kaya dapat itigil na natin to
Kasi imposible namang maging tayo.

Ang dami mong what ifs
Ang dami ko ring buts
Kaya walang mapupuntahan tong nararamdaman nating dalawa
Kaya mas mabuting itigil na
Habang maaga pa

Pero huli na, huli na naman talaga
Nahulog na ako sa patibong ni kupido
But I still agreed to you
Cause it’s the best that we can do.

Alam kong wala na talaga
Pero patuloy parin ang aking nadarama
Sinubukan ko namang itigil na
Pero sutil tong puso ko, patuloy na umaasa

Your coldness is hurting me a lot
Pero naiintidihan ko naman
Na ayaw mo nang masaktan
Naiintindihan ko
Na mas mahal mo na ang sarili mo
At promise, proud na proud ako sayo

Lumipas ang araw pero wala paring nagbago sa nararamdaman ko para sayo
Until I heard the good news from you
That you found someone new.

Inaamin ko, nasaktan ako ng sobra.
Ang sakit isipin na may nagpapasaya na sayong iba
Na may mahal kanang iba
Na namili kana
At ang pinili mo ay kung saan ka sasaya
Kung saan ang lahat ay tama
Kung saan wala nang puwang ang pagkukunwari
Kung saan maisisigaw mo narin sa mundo
Ang pangalan ng taong mahal mo
Bagay na di natin magagawang dalawa,
Kung tayo ang magkakasama

Pero hindi ko isusumbat sayo
Ang sakit na nararamdaman ko
Kasi choice ko naman to
Pinili ko to,
Pinili kong mahalin ang taong dapat kaibigan lang.

Nakikita ko na masaya ka na
Kaya ayoko namang gulohin kapa
Basta masaya ka..
Yun lang naman ang mahalaga
Na makita ko lagi ang yong mga ngiti
Kahit hindi na ako ang dahilan ng pagkurba sayong mga labi

11:10
Isang minuto bago ko sambitin ang kaisaisa kong kahilingan
Akoy nakatingin sa ating mga larawan at inaalaala ang ating pinagsamahan.
Sabay tanong
“Kaya ko na ba talagang ikaw ang bitawan?”

11:11
Nakatakda nang sabihin ang aking hiling
Pinikit ko ang aking mga mata
Sabay sa pagdaloy ng mga luha sa sakit ng nadarama

“Sana’y maging masaya na sya sa taong pinili nya.”

Yan ang mga salitang lumabas sa bibig ko,
Oo
Dahil deserve mong sumaya ng todotodo
Yong totoong saya
Kahit sa piling na ng iba.

Sa pagtatapos ng tulang ito
Baunin mo parin ang pagmamahal ko
At lagi mong isipin na kahit iwan ka man ng mundo,
Andito lang akong kaibigan mo
Always reading sumalo sayo.

My love,
You were once my 11:11 wish
But now, you have to be my 12:51
And I hope soon, my feelings will be gone.

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version