Magkahawak ating mga kamay
masayang nagtatawanan
habang tayo’y naglalakad
di maikubli ang sayang nararamdaman
Sa paraan ng pagtitig mo
sa aking mga mata
puso ko’y tumitibok ng mabilis
di ko alam kung bakit nga ba?
Sa tuwing ika’y magpapaalam
ewan ko ba’t akoy nasasaktan
sa pagkat ako’y natatakot
natatakot na baka ika’y di na bumalik pa
Aking napagtanto
na ikaw na’y mahal
laman ng puso’y ikaw
ikaw lamang mahal
Ako’y naglakas ng loob umamin sa pagkat alam ko
alam kong may pagtingin ka rin
ngunit nabasag ang aking puso
sa pagkat sinabi mong magkaibigan lang tayo.