Current Article:

“On A “Death Bed” Together With My Mom”

“On A “Death Bed” Together With My Mom”
Categories Relationships

“On A “Death Bed” Together With My Mom”

“On a “Death Bed” together with my Mom”

Habang nakatingin ako sa monitor na ‘yun kung saan may gumagalaw na linya, napapaisip ako kung anu ang ipinapakita ‘nun sa akin. Ang dami ba ng pagtibok ng ‘yung puso o ang bilis ng ‘yung paghinga. Hindi ko na alam kung ilang oras, araw o buwan ka nang nakahiga sa kamang ‘yun. Hindi ko na rin alam kung ilang dasal na ‘yung nailapit ko sa taas. Pero kahit kailan, hindi ko siya kinuwestyon o kukwestyunin if ever man anung oras kukunin ka na niya sa akin. Alam ko din naman kasi na pansamantala ka din naman niyang pinahiram para kumpletuhin ang buhay ko. Alam mo bang sa lahat ng panalangin ko, ay hiniling ko na palitan ka diyan sa kina-hihigaan mo? Gusto kong ako ang makaramdam ng sakit sa tuwing my kung anu-anong mga bagay na itinuturok sa’yo. Gusto kong ako na lang ang makaramdam ng lahat ng sakit sa tuwing may mga kung anu-anong mga bagay na pinag-gagawa sa katawan mo. Kaya pasensiya ka na kung minsan absent ako o wala ako sa tabi mo sa mga ganung senaryo. Hindi ko kasi kayang marinig ang tunog na dulot ng sakit na nararamdaman mo. Ayaw kong marinig ang impit at iyak mo. Ayaw kong may nakikitang luha na tumutulo diyan sa gilid ng 
mga mata mo. Alam ko kasing wala naman akong magagawa para sa ikaluluwag ng pakiramdam mo. Sorry, kung sa mga oras ng kalbaryo mo sa lugar na ‘yun ay wala ako. Nadudurog kasi ako sa tuwing naririnig kitang binabanggit ang pangalan ko. Sorry, kung sa mga oras na ‘yun, hindi kita nahahawakan at wala kang nakakapitan kasi ayaw kitang nakikitang umiiyak. Nadudurog ako ng sobra to the point na gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa at hilingin na panaginip na lang ang lahat ng ‘yun. Sorry! I’m so sorry…

Tama ba ang sasabihin ko? Nami-miss na kita o mami-miss kita? Hindi ko kasi alam kung alin ang gagamitin ko sa dalawa. Hindi ko kasi alam kung tanggap ko na o matatanggap ko ba ‘yung moment na kukunin ka na Niya sa akin. Alam mo bang sa lahat ng lugar na pinaka-ayaw ko ay ang “Ospital.” Ayaw ko kasing lumabas sa lugar na ‘yun na nag-iisa at walang kasama sa paglalakad pauwi. Ayaw kong pumasok sa pintuan ng bahay natin na walang may nagagalit sa akin kasi ang bagal ko magbukas ng pinto? Ayaw ko nang maingay pero mas mabibingi siguro ako sa katahimikan. Mas gugustuhin ko pang marinig ang sermon mong paulit-ulit kesa makinig sa mga ingay na dulot ng paghinga mo habang lumalaban ka para mabuhay. Sorry, alam ko kasing hindi mo ako nakitang umiyak ni minsan sa tabi mo habang nakahiga ka sa kamang ‘yun. Pero it doesn’t mean na hindi kita mahal o wala akong paki sa’yo. Mas pinili ko lang na hindi ipakita sa’yo kasi ayaw kitang malungkot pag nasa langit ka na. Alam mo rin ba na sa dinami-dami ng mga okasyon na dumaan, “birthday” mo lang ang gusto kong e-celebrate? Siguro, magtatanong ka kung bakit. Kasi nga, sa okasyong ‘yun, makikita kitang magbo-blow ng mga candles mo at at siguro naman, alam mo na ang gusto kong sabihin. Higit sa lahat, gusto kitang kantahan ng “Happy Birthday” song nang paulit-ulit kung ‘yun lang ang tanging paraan para lang madugtungan ang buhay mo…

Gusto ko sanang hilingin sa taas na panaginip na lang ang lahat. Na panaginip lang ang senaryong nakikita kitang naka-life support at nakapikit. Ayaw kong nakikita ang mga gumagalaw na mga linyang ‘yun sa monitor kasi natatakot ako na bigla na lang itong tumuwid at tumigil. Pero alam kong ‘totohanan ang mga tagpo sa mga oras na ‘yun. Kung pwede lang, ako ‘yung nakahiga sa kamang ‘yun imbes na ikaw. Na ako na lang ang unang kunin Niya bago ikaw. Itong bagay kasi ang pinaka-ayaw at hate ko na maranasan at gawin(ang umiyak). Ayaw na ayaw kong umiyak, alam mo ba ‘yun? Naiinis ako. Kaya naiinis ako sa’yo kasi pinapaiyak mo ako. Alam mo naman diba na madali akong magtampo. Kaya nagtatampo ako sa’yo kasi pinapaiyak mo ako. Pero sorry, kasi hindi na kita masasamahan kung saan ka man pupunta. Hindi na kita magigising kasi alam kong hindi mo na pwedeng idilat pa ang ‘yung mga mata. Alam mo ba kung anu na lang ang pwede kong gawin para sa’yo? Na sana, pag nagkita tayo sa langit, ay payagan Niya akong dalhin ang “birthday cake’ mo. Gusto kasi kita ulit makitang magblow ng mga candles mo. Higit sa lahat, sana payagan niya Akong kantahan ka ng “Happy Birthday” song nang paulit-ulit kung ‘yun lang ang tanging paraan para lang makasama kita at makita ko ulit ang mga ngiti mo na walang sakit na nagpapabagal sa paghinga mo…

Photo by: Google on Display

Parkenstacker