Hihintayin kita.
Hihintayin kita?
Tanong, kung kaya bang panindigan
Dalawang salitang
Ang hirap gawin man lang.
Maghihintay ako.
Habang nadudurog mo.
Oo, Maghihintay ako.
Kahit natatapakan pagkababae ko.
Subalit hanggang saan makakayanan
Ang sitwasyong may halong panloloko?
Panloloko sa sarili ko
Kahit alam ko nang, hindi ako, ang tinitibok ng puso mo.
Nagugunita ko pa nga binitiwan mong salita
Salitang Di ko mawari para saan
Sinabi mo lang ba yon
Upang Di ako masaktan? O para malaya kang makipaglandian saan-saan.
Sabi mo, sa tamang oras dapat natin simulan
Relasyong “ikaw at ako”.
Ngayon ko napagtanto
Maghihintay pa ba ako?
Kung ang dating ako,
sa istoryang sinimula’t iniwan mo,
Kung ang AKO,
sa istoryang TAYO,
Ay Siya, ang ipinalit mo.
Siya na kasa-kasama mong naglalampungan sa daan
Kahit alam mong
nasa likod niyo lang ako
Pero bakit ako? Sa daan, Di mo man lang ako kayang matitigan.
Oo nga pala, sinabi mo pala
Noong Isang gabi
Na Sariwa parin sa aking alaala.
Isang gabi na kayo ay masayang dalawa
Hawak-hawak mo kamay niya
At sinabi ang mga pamilyar na katagang,
Sa akin iyo rin sinabi noong una
Salitang, “Mahal Kita!”
Ngayon mo sagutin
Tanong na dapat noon pa’y May kasagutan na
Tanong na dapat siguro’y sa simula tinuldukan ko na.
Dalawang salita, Isang tanong
May sagot ngunit ang hirap magdesisyon
Hihintayin pa ba kita?
Kahit may iba kana?
Maghihintay pa ba?
Sapagkat may nararamdaman pa?
O sapat na lahat ng katangahan noong una?
Baka nga dapat siguro akoy sumuko na.
Ako’y sumusuko na pero bakit ganon?
MAHAL PA DIN KITA.