Masaya akong makita kang masaya ,
mga ngiti na kusang lumalabas sayong labi kapag pangalan niyay nababanggit ,
mga ngiting abot langit wala na atang hihigit sa kaligayahan mong dulot sakin ay sakit ,
na ako sa isang sulok ay hindi maiwasang mainggit , nalilito , nagtatanong na tila parang pag dating sakin ika’y nakapikit .
Ano bang dapat kong gawin ?
Ano bang dapat kong sabihin ?
Akoy nandito lang naghihintay nag iyong pansin ,
Ako yung nandito handa kang kilalanin at mahalin .
Ngunit paano ?
Sa tuwing ipapakita ko ang nararamdaman ko lagi mong sinasampal saakin na siya ang gusto mo .
Ako bilang kaibigan mo lang , walang ibang ginawa kundi suportahan ka kung san ka masaya , palakasin ang loob mo kapag ikaw ay hinang hina na .
Siya na walang ibang ginawa kundi paasahin at saktan ka , sa huli pinili mo pading lumapit kesa dumistansya .
Tanggap ko na siya ang gusto mo at wala akong balak manggulo
nirerespeto ko na siya ang pangarap mo at kailan man hiding hindi magiging ako .
ngunit paano nalamang ang pangarap ko ?
ang pangaraap kong ikaw at ako ?
ang pangarap kong tayo na tila impossibleng mabuo .
Gabi gabi pinapanalanginko na sana ingatan at pahalagahan kadin ng taong gusto mo , at kung mabibigyan man ng pagkakataon gusto kong sabihin sa babaeng gusto mo na ang swerte mo , ibinigay sayo yung taog pinapanalangi ko ”