Sana mabasa mo.
Categories Relationships

Sana mabasa mo.

Hi bee! (Tawagan namin dati)

Kumusta? Okay ka lang ba? Masaya ka ba? Nasasaktan ka ba? Malungkot ka ba? Babalik ka pa ba? Hahahaha

Ang dami kong gusto sabihin sayo, pero paano? Ayoko din minsang magsabi sayo kase minamasama mo. Pero ngayon wala na kong pake kung mabasa mo o hindi to.

Okay lang ako. Masaya ako siguro. Magiging masaya din naman ako kahit hindi na tayo. Magiging masaya kahit hindi kasing saya nung kasama pa kita. Miss na kita. Miss na miss na kita.

Naaalala mo ba nung unang bisita mo sakin nung nag-aaral pa ko sa baguio? Natuwa ako nun kase for the first time nag effort ka makita lang ako. Panandalian lang stay mo sa baguio nun kase hindi ka nagpaalam sa magulang mo. Hahaha

Eh nung unang beses mo kong pinakilala sa magulang mo? Natakot ako nung una kase baka paglayuin tayo bigla. Buti nalang tinanggap nila ako sa pamilya niyo at naging open pa sila sa madalas na pagpunta ko. Almost every week kung bumisita ako diyan sainyo. Nalulungkot ka pa nga pag kailangan ko nang bumalik noon ng baguio.

Ayoko ng nalulungkot ka kaya nung pinapili ako kung saan ako lilipat para mag aaral eh pinili ko nalang mag aral kung saan malapit ako sayo. Para makita kita palage at makasama ka palage. Para wala na yung lungkot mo sa tuwing bumabalik akong baguio. Halos araw araw tayong magkasama noon.

Nakakapanibago lang kase bakit puro nalang ako noon. Hindi naman na kase tayo tulad ng dati sabi mo nga. Dumating din yung araw na iniwan mo ko. Iniwan mo kong mag isa. Di ko alam kung saan ako nagkamali. Di ko alam kung pano ako makakabangon muli.

Hindi na ikaw yung minahal kong bee dati. Hindi ba ikaw yung bubuyog kong halik ng halik sa mukha ko sa tuwing may ginagawa ako. Hindi na ikaw yung bubuyog na nangungulit sa tuwing nagsusulat ako. Hindi na ikaw yung bubuyog na minahal ko noon. Asan ka ba kase? Nasan ka na ba bubuyog? Bakit ba kase kailangan mo pang umalis. Bakit kailangan mo pang mang iwan. Kung kelan handa na kitang pakasalan. Tsaka ka naman nang iwan.

Sayang. Sayang yung tayo.

Kaya ngayon eh mas pipiliin ko nalang maging malungkot. Kase sa tuwing masaya ako bigla may pumapalit na lungkot.

Malay natin diba? Na baka isang araw mapalitan din sa wakas ang kalungkutan ko ngĀ saya.