Current Article:

Sometimes I wonder why I ended up not being chosen by someone I love.

Sometimes I wonder why I ended up not being chosen by someone I love.
Categories Move On

Sometimes I wonder why I ended up not being chosen by someone I love.

Sometimes I wonder why I ended up not being chosen by someone I love.

Yung tipong hindi naman ikaw yung unang nagka-gusto, siya naman nagparamdam sa’yo pero bakit ako yung na-fall ng todo at iniwan? I always try my best to protect my heart pero siya naman yung nagpupumilit na hulihin yung mga ngiti ko, at bihagin yung puso ko pero bakit ang ending parang ako na yung naghahabol ng attention niya? Nananahimik lang naman ako. Ineenjoy bawat oras ng pagiging single ko. Bakit bigla nalang may lalapit tapos ang ending mananakit? Ayoko nga sanang ipaalam mga whereabouts ko, even paborito kong kape ayoko ipaalam ingredients, pati nga lugar na comfortable ako puntahan gusto ko ako lang nakakaalam, pero nung tinanong mo ako, para bang may oras na gusto ko nalang i-update sayo lahat. May mga bagay akong nakasanayan na hindi naman dapat. Gaya ng pagpupuyat ko makausap ka lang, maging katawa tawa kapag malungkot ka at samahan ka hanggang sa maging okay ka. I don’t extend much time sa mga hindi importante pero nabihag mo ako kaso nga lang bakit naman mas pinili mong iparamdam sakin na sayang lang lahat.

Bakit nga ba ganon? Sila naman yung unang lumalapit pero ang ending hindi ka pipiliin. Kapag na-fall ka doon mo malalaman na hindi lang pala ikaw yung kinakausap niya. O kaya naman kapag minahal mo na, doon mo malalaman na wala pala. May pagkakataon din na kapag naramdaman mo nang siya na, doon mo malalaman na nagsawa na pala siya. It hurts kasi he tried his best to win you but in the end ikaw yung natalo.

Sugal nga siguro talaga ang pag-ibig. Pag pinili mong pasukin ito, may mga bagay ka talaga isasacrifice. Ibibigay mo yung time and effort mo para lang sa tao kahit madalas wala ka namang kasiguraduhan kung magtatagal ba to. Hahantong ba sa forever itong pag-ibig na to? O talo na naman tayo.

Ang hirap lang din isipin na back to zero ka na naman. Dadaan ka na naman sa prosesong iiyak, magmumukmok, lilimutin ang mga alala hanggang sa maging okay ka. Minsan kasi sa pagtagal ng pagsasama ganon din katagal ang paglimot.

Masarap naman talaga magmahal eh. Mas masarap nga lang sa pakiramdam kung parehas kayo nagmamahal sa isa’t isa.

Wala eh. Ganun nga talaga siguro. Minsan napapatanong na ako kung easy catch / east to get ba ako? Kinikilala ko na nga ng husto eh pero wala pa din.

Sa maaaring makabasa neto…kung hindi ka sigurado sana huwag kang manggulo ng feelings ng iba. Kung alam mong meron ka na sana huwag mo na hamakin na magloko pa. I-treasure mo yung taong nasayo na kasi ang dami mong taong nasasaktan kung wala kang contentment. Kung alam mong wala ka talagang nararamdaman huwag mo nang paglaruan yung damdamin ng iba. Kung alam mong kaibigan lang intention mo sa tao, huwag ka na magbitaw ng mabubulaklak na salita, know your limits. Hindi madaling mag cope from a heartbreak.

May saying nga na “hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.” Pero hindi naman siguro dapat intentionally saktan yung tao para lang patunayan na kaya niyang mag mahal.

Sa maaring makabasa neto…alam kong hindi madali maging open basta basta. Alam kong hindi madali mahulog lalo kung hindi ka siguradong may sasalo ba. At alam kong din mabigat sa pakiramdam ang umiyak, i-question ang worth, at magtiwala muli. Pero hayaan mo, the Lord sees you. And alam kong nandyan si Lord para makinig at unti unti kang i-guide sa healing process.

Sana sa susunod na iibig ka, yung tamang tao na. Yung tipong sa hirap at ginhawa, mamahalin at pipiliin ka.

Photo by Sixteen Miles Out on Unsplash

Leave a Reply