Napalitan ng Kayo
Categories Move On

Napalitan ng Kayo

Mahal, naalala mo pa ba?Nung tayo pa? Nung mga panahong SAYA palang ang salitang ating alam?

Nung mga panahong parang tayo lang ang tao sa mundo? Yung mga panahong yon, ngayon ay ala-ala nalang.

Mahal ba’t nagkaganito? Ano bang nangyari? Lahat ng tawa napalitan ng lungkot?At ang ikaw at ako napalitan ng Kayo.

Mahal, isang tanong isang sagot. Ano bang nagawa ko? Wala man lang konting explenasyon kung bakit? Bakit lahat ng ito’y nangyari? Mahal, ginawa ko naman ang lahat. Binigay ko naman ang lahat, ano bang kulang? San ba ako nagkulang?

Sa pagkakaala-ala ko, okay naman tayo. Pero bigla ka lang naglaho na parang bula.

Tinawagan, hinanap, nagtanong-tanong at nagkalokoloko. Lahat, lahat ginawa ko mahanap at malaman ko lang kung nasaan ka.

Napagod ako at nagpahinga saglit. Ang saya ng paligid, ng may nakahagip sa aking atensyon. Ang saya nilang tignan mahal. Parang tayo lang dati, nagtatawanan, naghaharutan. Sobrang saya nila.

Sa pagtayo ko at medyo nalinawan. Parang dinurog at sinaksak ang puso ko. Kaya pala naalala kita, kaya pala nasabi kong parang tayo lang dati. Ikaw… ikaw pala talaga, pero sino ang kasama mo? iba? siya ba? siya ba ang dahilan kung bakit ka nawala? kung bakit iniwan mo’kong walang isang salita? Bakit mahal? bakit?

Ayoko na, ayoko na. Tumakbo ako, tumakbo ng mabilis at nagpakalayo. Malayong-malayo kung saan hindi kita maalala. Lugar kung saan hindi ko mararanasan ang sakit na dinulot mo.

Sana balang araw maintindihan ko kung bakit lahat ng ito ay nangyari. Kailangan ko pa bang masaktan? Sasaya pa ba ako?

At sana balang araw maintindihan ko kung bakitnikaw at ako ay napalitan ng Kayo.

(Alena)