Akala ko okay ako
Akala ko yung mga ngiti ko totoo
Akala ko masaya ako
Akala ko kakayanin ko

Marami akong inaakala
Ngunit lahat ay akala ko lang pala
Akala ko ikaw lang ang magiging dahilan ng pag ngiti ko
Akala ko masaya ka kapag kasama ako
Akala ko kakayanin mo rin ako ipaglaban

Marami tayong akala
Pero bakit? Bakit ang dami nating akala?
Marahil nangunguna ang akala sa hindi sinubukan
Marahil ang iyong inaakala ay mag sasanhi ng pagkakamali.
Sabi nga sa kanta, wag kang matakot na magkamali, walang mawawala kung hindi mo susubukan…

Akala ko matatalo ako kung hindi ko sinubukan
Akala ko lagi na lang akong luluha
Akala ko hindi na ako magiging masaya
Akala ko hindi ko na kakayanin.

Buti na lang sinubukan ko
Sinubukan kong bumalik
Sa Kanya!
Na nag sasabi na wag kang matakot
Alam ko kaya mo ring lampasan
Akala mo iiwan kita? Yun ay akala mo lang
Dahil kahit kailan nandito ako sa tabi mo
Hindi kita pababayaan.
Anak, kahit kailan, lahat nang inaakala mo na imposible. Pero sa Akin, Lahat Posible….