Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pag-ibig na ba?
Nang una kitang Makita
Pintig ng aking pusoy bumilis bigla
Diko alam kung saan nagsimula
Ito ba ay pag-ibig na?

Bawat araw at oras na magdaan
Ito’y aking laging inaasan-asam
Makita kat masilayan man Lang,
Para sa akin ay labis ng kagalakan.

Ikot Ng aking mundoy iyong binago
Lungkot at galit ay biglaang naglaho
Para sa iyo ay handang magbago,
Pag-aaral ng mabuti’y aking maipapangako.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bawat ngiti at pagbati na nagmumula sa iyo,
Katumbas nito’y walang hanggang ligaya ng puso ko
Ang nais ko lamang na ikay magpakatotoo
At sabihin kung may puwang na ako sa iyong puso.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required