Hindi kita gagayahin.
Hindi kita tutularan.
Hindi ko gagawin kung ano man ang ginagawa mo ngayon,
Hindi ko susubukang gumawa ng mga bagay na pwedeng makasakit sayo,
tulad ng nararamdaman ko sa mga ginagawa mo.
Hindi ko susubukan dahil hindi ko naman alam
kung may sakit karin bang mararamdaman kung gagawin ko din iyon.
Hindi ako gagamit ng ibang tao,
O gagawa ng mga bagay na pwede kong pagsisihan.
Susubukan kong maging matalino sa proseso ng paghihintay.
Hindi ako gagawa ng mga bagay na pwedeng ikalugi ng taong inilaan para sa akin.
Hindi kita gagayahin kahit may bahagi sa puso ko na gustong gumanti.
Gusto kong gumanti, pero di sa paraan ng katulad ng sa iyo.
Magiging mahinahon ako.
Magiging mahinahon ako at pipiliin ko ang maging wasto.
Kahit pa madalas akong dalawin ng lungkot at pagkatakot.
Pagkatakot na baka nga guni-guni lamang itong mga ipinaglalaban ko.
Pero diba’t mas nakakatakot, kung susugal ako sa hindi sigurado?
Kaya maghihintay ako.
Maghihintay ako sa tamang proseso na alam ko at natutunan ko.
Maghihintay ako sa pangakong hindi galing sayo.
Kundi sa pangako na sigurado ako at hindi matatalo.
Magtitiwala ako sa Kanya ng may matatag na pag-asa,
Kahit pa ngayon, wala akong makita
Sigurado ako na di ako mabibigo,
Pagkat pag Siya ang nagbitaw,
Malayo pa man kung susukatin
pero tiyak may matatanaw.