Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Salitang ang daling bangitin
pero ang hirap gawin
dahil ang aking damdamin
sa nakaraan parin nakatingin

Paano ba ako susuko?
kung ikaw pa din ang tibok nito
at ang puso ko’y na sayo
na dinala mo hanggang sa iyong paglayo

tanging ating mga ala-ala
nalang ang nag papa-alala
na sa ating pagkakakilala
ay tila isang nobela

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


sa ating nakaraan
ang dami kong natutunan
at ito’y aking papahalagahan
dahil dito’y namulat ako sa katotohanan

sadyang mapagbiro nga ang mundo
dahil tayo nga’y pinagtagpo
pero relasyo’y lumabo
dahilan para tayo ay magkalayo

Send me the best BW Tampal!

* indicates required