Ang sarap sana.

Ang sarap sanang balik balikan yung mga alaala nating dalawa.

Ang sarap sanang isipin na minsan, naging masaya tayo.

Ang sarap sanang isipin na nagkaron ng “tayo.”

Ang sarap sanang ibalik lahat lahat ng mga panahong magkasama tayo. Masaya. Pati na rin siguro yung pagmamahalan natin.

 

Kaso wag nalang pala.

Ayoko nang balikan yung mga alaala na halos ikamatay natin pareho yung sakit at galit.

Ayoko nang balikan yung mga masasamang salitang nasabi natin sa isa’t isa noong tayo may di pagkakaintindihan.

Ayoko na rin palang balikan yung pag-ibig.

Ayoko nang umasa na magkakaron pa ulit ng “tayo” kasi mas malabo pa yon sa nilalabas nyong tamod.

Ayoko nang magpakatanga ulit sa tao, sa sensasyon, na wala namang kasiguraduhan.

 

Siguro para sa ngayon, hahayaan ko nalang na nakalutang ang iyong mukha sa may bandang itaas ng cellphone ko.

Aasa muna ulit ako panandalian.

Pero hindi ko maipapangako sayo, o sa sarili ko, na makakayanan kong tiisin yung temtasyon.

Yung temtasyon na kausapin ka.

Pero siguro, para sa huling pagkakataon bago pa man ako magmove on, magbabasa muna ako.

Magbaback read at nanamnamin ang bawat emosyon.

Scroll, scroll  scroll. Delete