Sa lahat ng pusong na-ghost mo
Sa lahat ng pusong pinaasa mo
Sa lahat ng matatamis sa salitang binitawan mo
Sa lahat pusong dinurog mo
Sa lahat ng pusong tumigas nang dahil sa’yo
Sa lahat ng matang pinaluha mo
Sa lahat ng hindi na naniwala sa pag-ibig dahil sa’yo

Ngayon ba masaya ka na?
Ngayon ba natutuwa ka?
Ngayon ba tatawa tawa ka?
Ngayon ba buo ka na?
Ngayon ba nakaganti ka na sa nanakit sa’yo?
Ngayon ba kuntento ka na?
Ngayon ba yumabang ka?

Ang mga pusong sinaktan mo makaka-move on.
Ikaw hanggang kailan ka magiging duwag?