Siguro nahulog na ang loob mo sa isang tao na hindi ka sinalo. Sa madaling salita, hindi niya nabalik sa’yo yung feelings mo. Kaya ang ending, nasaktan ka at natakot nang ma-fall uli sa maling tao. You were broken-hearted at ikaw lang ang nakakaalam. Wala kang mapagsabihan. Hindi mo makuwento sa iba kasi nakakahiyang sabihin na sinaktan ka ng isang tao pero hindi naman naging kayo. So, you kept it all to yourself and wondered, “Bakit nga ba may mga taong pa-fall?” Sa una magpapakilig, sa una magpapasaya, sa una palaging andyan. But in the end, mawawala rin na parang bula. Pinakilig ka pero di ka inibig. Masakit? Oo naman. Kasi todo asa ka na may feelings siya para sa’yo, pero ang totoo isa ka lang sa mga other girls or boys na kinakausap niya ng ganyan. Yung feeling mo na special ka sa kaniya, pero isa ka lang pala sa mga special people niya.
So, paano ba natin masasabi kung pa-fall nga ba talaga ang isang tao? You could check out in some of these points kung nabiktima ka na ba ng pa-fall.
1. Bored lang siya.
Yes, bored siya at gusto niya lang ng kausap. Yung magpaparamdam lang siya kapag wala siyang magawa or hindi siya busy. Yung kasing dalang ng full moon yung pagsulpot niya sa buhay mo. Yung namimiss mo siya pero siya wala naman talaga siyang pakealam kung ano nang mga ganap sa buhay mo. At madalas, magkukwento lang siya kapag trip niya. Pero hindi talaga siya interesado sa’yo. Pero dahil sa nagpapakita siya ng atensyon, ayan galante ka rin sa pagbibigay ng oras sa kaniya kaya ang ending, ikaw ang na-fall. Ikaw ang talo. So kapag feeling mo pampalipas oras ka lang niya, confirmed. Isa siyang pa-fall.
2. The “react only” replies.
Yung mga reply niya sa’yo super ikli lang. Yung todo kuwento ka na pero nagrereact lang siya sa lahat ng sinasabi mo. Wala man lang follow-up question para mas makilala ka niya at alamin kung ano ang mga hilig mo. Yung puro “HAHAHAHA” na lang ang kaya niyang i-reply kasi wala eh. Hindi talaga siya interesado. Yung inisip mo na lahat ng pwedeng topic pero that person is still not engaging that much sa mga usapan niyo. Nakakaasar kaya yung ganyan! Kaya huwag mo na siyang i-message, please lang.
3. Nililito ka niya sa nararamdaman niya.
Puro lang siya paramdam pero walang clarity sa lahat ng actions niya sa’yo. Yung napapaisip ka na, “May gusto kaya siya sa’kin?” Pero wala naman siyang sinasabi or hindi naman siya consistent. In short, magulo siya. Kaya kung ngayon pa lang magulo na siya, huwag mo nang hintayin na guluhin din niya ang buhay mo. If that person is confused, then let that person go. Hayaan mo muna na maging malinaw sa kaniya lahat bago mo siya papasukin sa buhay mo. If ever hen has the guts to be sure of what he feels. Major turn-off ito lalo na sa girls kapag magulo ang isang guy.
4. User siya.
Magpaparamdam kapag kailangan. Yung ginagawa kang google kapag may kailangan siyang sagot. Hinihingan ka ng advice, opinions, free food, data, whatever. Basta andiyan siya for his own benefit. And ikaw naman kilig na kilig kapag nagparamdam nanaman, without knowing na hindi ikaw ang kailangan niya, kundi kailangan niya kung ano ang meron ka. Be wise enough to resist ang kilig. Now you know.
5. Allergic siya sa commitment.
Kapag takot ang isang taong mag-commit sa’yo at magsabi ng feelings niya, ibig sabihin hindi lang ikaw ang kinakausap niya. Marami kayong gusto niya. Isa ka lang sa options niya at kapag hindi nagwork-out sa iba, ikaw ang fallback niya. Ouch. Sad but true. You are just one of the many options. Hindi ka niya priority. So magisip-isip ka na kung bakit walang label kung ano man ang meron kayo. Kasi nga reserba ka lang pala in case wala na siyang ibang mapuntahan. If that person can’t commit, then that person doesn’t deserve a place in your heart.
Those were just some of the many signs na pa-fall nga ang isang tao. That is why it is really important for us to guard our heart. Hindi lahat ng nagpapakita ng motibo ay seryoso. Kaya be careful who you make time for. Be careful on your investments sa isang tao. Kasi when a person’s true intentions are revealed, it could make or break you. Kaya ingat na lang tayo.