Bitin
Categories Waiting

Bitin

Nabitin ka na ba?
Badtrip diba?
Masarap na sana kaso naudlot pa.

Bitin na tulog.
Bitin na pagkain.
Bitin na kanta.
Bitin na…

Sa pantalon at blusa lang yata bumagay ang bitin.

Kung ako ang tatanungin,
isang bagay ang hindi pwedeng bitinin, ang pag-ibig.

Ang pag-ibig na bitin ay nakakatanga.
Alam mo yung masayang masaya kayo noong una,
tapos iiwan kang nganga.
Hindi mo alam kung may hinihintay ka pa ba o magmomove-on ka na.
Hindi man lang naglakas loob na sabihing, hoy! tapos na!

Para maiwasan ang bitin,
Pakiusap,
Huwag sisimulan ang hindi kayang tapusin.
Dahil masakit sa puso/n ang mabitin.