Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Buti na lang
Pinaramdam mo sakin na naiinip ka sa tuwing nahuhuli ako kapag nagkikita tayo.
Napagtanto kong di mo ko kayang hintayin hanggang sa maging tama na ang panahon.

Buti na lang
Pinakita mo saking hindi mo mahintay maski ang pagsampa ng paa ko sa jeep na sasakyan ko sa tuwing ihahatid mo ko.
Mas naintindihan ko ngayon kung bakit di mo kayang alalayan yung kamay ko sa pagbaba ko.

Buti na lang
Pinaintindi mo saking di ako dapat alalayan kasi matanda na ko.
Nalaman ko na kaya ko pala maski wala ang tulong mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Buti na lang
Ngayon pa lang titinuro mo sakin kung paano maging mag-isa.
Naramdaman ko ngayon na kaya ko naman pala.

Buti na lang
Pinakita, pinaramdam at pinaintindi mong kaya ko pala.
Ngayon ay nalaman, nagpagtanto at mas naintindihan kong hindi naman pala “IKAW” talaga.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required