Mga huling liham at kataga ni Jerry para kay Zoila

37

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal ko,

I have loved you forever and never fell out of love..Ikaw lagi ang nasa puso ko and I was so determined na ipaglaban kung ano mang meron tayo kahit wala ng label.. Umasa na balang araw tayo rin sa dulo.

Ngunit habang tumatagal, lalong nagiging malabo. Paparamdam ka na lang pag gusto mo, tapos bigla ulit maglalaho. If you really love someone, you dont have to put them on hold. If you really love someone, you have to make time and never make them feel they are just an option.

Indecision is a decision. Call me na lang kapag sure ka na sa mga bagay-bagay.. Whatever your decision, I will respect and I will always be happy as long as you are happy!

-Jerry

….ito na malamang ang huling katagang bibitawan… mahal kita ng sobra kaya nag-antay ako kahit walang katiyakan.. inakalang lilinaw pero lalo lang lumabo. kaya hahayaan ko na lang na ang mga pangarap at mga pangako ay liliparin na lang sa hangin. ipapaintindi sarili na kailanman ay di ka na magiging akin. tatanggapin na at palalayain… malaya ka na! paalam na.