Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa paghihiwalay nating ito,

Alam kong ako yung talo.

Kasi alam kong mahal na mahal mo ko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero sadyang hindi tayo marunong makuntento,

Kasi bukod sa mahalin mo ko,

gusto ko pa ng respeto.

Pero kung totoong mahal mo nga ko,

hindi ko na dapat hilingin ang iyong pagrespeto.

Sadya ngang nakakalito,

Minahal mo ba talaga ko o ano?

Naramdaman ko naman yung pagmamahal mo,

Pero kung mahal mo, bakit mo niloko?

Kaya pasensya na kung ako ay sumuko,

At ang mga pangarap nati’y hinayaang gumuho.

Masyado na kasing maraming luha ang tumulo.

Unti-unti nang nadudurog ang puso.

Patawad kung hindi na umabot sa dulo,

Ay mali, patawad kasi ito na ang dulo.

JulaissABNOY©️

Send me the best BW Tampal!

* indicates required