Closure
Categories Move On

Closure

Sabi ni Sarah G. sa “Maybe This Time” nyang movie

 

“Sometimes not having a closure is already a closure”

At that moment sabi ko, “Yeah she’s right”

Kasi bakit pa ba kailangan mag-usap kung wala ng dapat pag-usapan pa?

Kung ramdam mo na din namang wala na talaga, diba?

Aasa ka pa ba? Kung lahat naman sinabing “He’s doing fine.. without you”

Yet, at the end of the story, they still had a closure.

Ganon pala nuh? Minsan akala mo hindi mo na kailangan

Akala mo totally get over ka na

Akala mo naka move on ka na

Pero darating yung araw bigla ka nalang gigisingin ng diwa mo

Ipapamuka sayo ng mundo that

You have a long way ahead of you before you totally move on

“I’ve had enough”

Those were my last words before I decided to just go on with my life without you

Napagod ako sa mga away na paulit-ulit lang ang dahilan

Nagsawa ako sa mga pangako mong hindi natutupad

Sumuko ako ng hindi naisip ang mga pinagsamahan

Wala eh, sobrang sakit na

Sa sobrang sakit, hindi ko na nakita yung mga mata mong lumuluha

Nagmamakawang muling pagbigyan

Mga kamay mong pinipilit abutin kahit daliri ko man lang

Sa bawat hakbang mo papalapit, sya ring hakbang ko papalayo

Pagluhod mo’y di ko man lang binigyan pansin

Tuloy tuloy naglakad palayo sayo, palayo sa “tayo”

Ni hindi ka man lang nilingon

Ni hindi man lang nakita kung tumayo ka ba’t naglakad din palayo

o nanatiling nakaluhod

Sabi ko “Tama lang ginawa ko”

Tama lang na hindi na ako lumingon pa

Gustuhin ko man, isip ay sinasabing “Tama na”

Kahit puso’y nais tumakbo pabalik.

Hindi, kailangan ko tong panindigan

Ito yung nakakabuti para sa atin

Bulong ko sa sarili ko.

 

Pero alam ko, alam na alam ko

Kung tumayo ka’t hinabol pa rin ako

Alam ko sa puso ko na bibigay ako

At magiging tanga nanaman ako

Salamat kasi hindi mo ginawa

 

Sa paglipas ng taon,

bakit tila puso’y lubos na nagsisisi?

Tama nga ba?

Tama nga bang tumalikod at nagpatuloy sa buhay ng wala ka na sa piling ko?

Sabi ng mga kaibigan mo,

Tama lang yun, kasi hindi na healthy yung relasyon natin

Kasi lagi tayong hindi nagkakasundo

Sabi ng mga kaibigan ko,

Kung yan ang sa tingin mo ay tama

Edi go! Kasi kung pagod kana, pagod kana but…

“You have to learn from your own mistakes”

 

Ako naman yung nang iwan diba?

Ako yung sumuko sa “Tayo”

Ako yung naglakad papalayo

Pero bakit ganon?

Bakit pa ako huminto?

I’m one step closer to moving on

Pero bakit ako tumigil?

Bakit kung kailan akala ko okay na ako

Saka ako sasampalin ng katotohanan

Na kahit anong gawin ko, kahit sino pang dumating sa buhay ko

Kahit ibigay sakin ng tadhana ang tipo ng lalaking hinahanap ko..

Ikaw pa rin ang mamahalin ko

Mali, alam kong mali

Pero bakit hindi ko magawang kalimutan ka?

Akala ko sa movies lang nangyayari yung ang daming tanong sa isip nila

Yung naghahanap sila ng sagot

Pero bakit ko yun nararamdaman ngayon?

Bakit ko hinahanap yung mga sagot sa katanungan ko?

Bakit ang dami kong What IFs?

What if nakinig nalang ako sayo?

What if binuksan ko yung mga mata ko?

What if kumapit pa ako kahit sa huling pagkakataon?

What if hindi ko piniling lumayo?

What if kasama pa kita ngayon?

Mas masaya kaya tayo?

What if hindi ako sumuko

Magkasama kaya ulit nating sasalubungin ang Pasko at magkasamang haharapin ang bagong taon?

What if hinayaan kitang hawakan pa yung kamay ko?

Kasing higpit na kaya ng hawak ko noon sayo ang hawak mo sakin?

What if..

 

Ang dami..

 

Sobrang dami..

 

Kahit anong convince ko sa sarili kong wala lang to, natural lang to

Bakit iba yung sinasabi ng puso ko?

Bakit ang bawat luhang pumapatak ay alay pa rin sayo?

 

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong

“Hindi na kita mahal”

Pero yung puso ko tila nakikipaglaban at sinasabing

“Gaga, bumalik ka, mahal mo yun”

Pero alam kong hindi na pwede

Hindi na sa pagkakataong ito,

Kahit mundo’y gumagawa ng paraan para ipaglayo tayo

Parang may isang napakalaking wall sa gitna natin

At kahit anong pilit natin, “Hindi na pwede”

 

Akala ko noon, relasyon lang natin yung kumplikado

Pero mali,

Mas kumplikado pala noong nawala ang “tayo

 

Ang daming nagbago

Kasabay nito ang mas lalong pagdami ng hindrances

Pinilit kong magmahal ng iba

Minsan ng muntik magkabalikan,

Ngunit hindi umayon ang pagkakataon

Pinaglayo ng mga tao sa paligid natin

Tila ngayon ang agwat nati’y kay layo

Mas mahirap palang lumaban

Dahil may mga tao nang masasagasaan

Bakit ngayon ka pa hinanap?

Bakit ngayon lang nangulila?

Bakit kung kailan hindi na pwde ang pwede

Saka ka pa ninais mayakap muli?

 

Gulong-gulo na ang isipan ko,

Hindi ko na alam ang gagawin ko

Mahal, pakiusap umalis kana sa isipan ko.

 

At sa muling pagkakataon,

Ika’y aking nasilayan,

Mga paa’y hindi napigilan sa pagtakbo palapit sayo

Sa muli, nakita ko ang mga mapupunggay mong mata

Mga matang noo’y sinasabing “Mahal kita”

 

Oh, ikaw pala. Bakit?”

Unang tanong na binitawan mo

Hindi makasagot, gusto kong magsalita

Gusto kitang yakapin

Gusto kong sabihing “Mahal pa rin kita”

Pero hindi ko magawa, dahil alam kong hindi na pwede

 

Kamusta ka”

Tanging salitang nabigkas

Eto okay lang, ikaw?

 

Nakakamiss ang mga tinig mo..

 

“Masaya na rin naman ako, kaya ko na nga matulog ng hindi ka naiisip. Kaya ko ng tignan mga pictures mo na hindi nasasaktan, siguro hindi lang talaga tama yung timing natin. Siguro ito nga yung mas nakakabuti”.

 

Good for you

Tanging naisagot ko

 

Tuluyan na nating palayain ang isa’t-isa.. Makakalimutan ko ring mahal kita. Siguro nga hangang dito na lang tayo. Goodbye noy”

Sabay ngiti ko ng pilit

Masakit pala talaga magpaalam sa taong alam mong mahal na mahal mo

Masakit magpaalam sa taong gusto mong makasama

Masakit magpaalam sa taong ayaw mong pakawalan

Pero kailangan..

 

Sa huling pagkakataon, niyakap mo ako

Damang dama ko ang higpit ng yakap mo

Mga yakap mong kaytagal hinanap-hanap

Sabay halik sa aking noo

Sige na, tulog kana. Pahinga kana. Good night

Uwi ka na din sabay na tayo maglakad”

“Titignan kita hangang makapasok ka ng bahay nyo. Sige na”

 

Isa

Dalawa

Tatlo

 

Tumalikod na ako’t naglakad

Sa muli, ako nanaman yung naglakad palayo sayo

Ngunit, dibdib ay mas maluwag na kesa noon

Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan

Napangiti nalang at nasabi sa sarili..

 

Sometimes, all we need is a final good bye”

 

Simula ngayon, araw-araw ko ng iisiping hindi ka para sa akin

Hanggang sa makalimutan ko ng mahal kita

Kakayanin ko, hanggang sa matanggap ko na ng buong-buo

Dahil alam nating…

 

“Hanggang dito na lang tayo”