Coffee Date

“Coffee date” kuno pero stickers lang talaga habol sa’yo.

Kilig-to-the-bones ka naman feeling mo may kayo.

Kwentuhan, tawanan, pa-sweet ang galawan.

Teka lang, alam mo ba motibo niyan?

Nang makumpleto na ang stickers, siya ay nagkaplanner na.

Saklap lang kasi ‘di ka kasama sa mga plano niya.

Nag palpitate ka na at lahat ‘di ka pa rin niya gusto.

O h’wag ka nang umiyak. Gusto mo ba magkape nalang tayo?

 

O kay bilis ng panahon.

Disyembre ay malapit na.

Simoy ng pasko unti-unti ko nang nadarama.

Ngunit ito lang ang aking paalala.

Hinay-hinay sa mga nag-aaya ng kape.

Mas mabilis kasi makumpleto kapag may kasama.

May ka-kwentuhan ka na, may stickers ka pa.

Huwag pairalin ang pagiging pokmaru sa panahong ito.

Iwasan madala sa mga malambing na salita.

Uminom ka lang ng kape at huwag nang isipin na siya ay magiging iyong “bebe.”

Pero malay mo naman ‘di ba?

Pero malay mo naman hindi rin.

Kaya mas mainam ang maging matalino.

Alamin kung anong stage ang relasyon niyo.

Iwasan mag-assume kung hindi naman siya nagiging klaro.

Sa ganitong paraan ikaw ay hindi matatalo.

Mangolekta ka rin kaya ng stickers nang magkaroon ka din ng plano para sa sarili mo.

Manalangin nang husto. T’yak akong makakapiling mo din ang taong nilayaan sa iyo ng Diyos. Makakasama mo din siyang mag kape sa tamang panahon.

Photo by Geertje Caliguire on Unsplash

Leave a comment

Exit mobile version