Di pweding maging tayong dal’wa.

Tama O Mali, mahal kita palagi.
Tama ang mahalin ka,Pero maling sambitin na bakit ikaw pa.
Ikaw na mahalaga, ikaw na mahal ko na sana.

Masaya tayo sa simula, biglang hihinto sa may bandang gitna.
Teka lang muna, ako ba tong hindi handa?
O ikaw yung takot na baka wala lang talaga?

Susuko na ba? O Susuko na talaga?
Susubukan ko nalang muna,
Sa kalagitnaan nang isang linggo’y kakayanin pa
Pagkatapos nito’y hihinto na.

Wala ng dulo kasi huli na,
Mahal pa rin kita, Pero itatago nalang sa isang banda.
Mamahalin pa rin kita kahit Malabo na.
Eh kasi naman eh.! Mali talaga!!!