Itatago o aaminin yung hulog ko sayong damdamin hihinga ng malalim bibilang ng isa,dalawa,tatlo Sabay bulong sa hangin at bigla na din mananalangin na sana kahit katiting eh may pag tingin ka din sa akin Kaya hanggayon gulong-gulo pa din ako Kung pababayaan na lang ba at di na aamin o itataya ang pagkakaibigan natin Papalipadin na lang ba tong damdamin? o susubok para umamin Sa bawat indak mo at ngiti iba na ang dulot nito sa akin bolta-boltaheng kuryente ang bigay nito sa akin Ikaw nga lang nga ata ang nakikita ko buong araw at halos pwede ka nang matunaw sa paulit-ulit ko na pagtanaw sa mata mo at ngiti Kaso sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti mo na siya ang dahilan nasasabi ko sa sarili ko ng paulit-ulit,
Gusto kong umamin pero alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin.