Halo-Halong wakas (The End)
Categories Friendship

Halo-Halong wakas (The End)


Nawa’y di ka mag hold ng grudge sakin. Hindi kita nakilalang ganyan, at hindi tayo pinalaki ng Panginoon na mamuhay ng may sama ng loob na kahit kanino.

Lagi kong sinasabi kung may tanim ka ng sama ng loob, hindi ka talaga makakatulog ng mabuti niyan. Kasi,  walang peace galing sa Panginoon.

Let that all sink in. Sana maintindihan mo, kasi sa kaibigang kaya kong intindihin, ikaw yung ready kong tulungan, kasi kailangan mo talaga ng growth at tulong kahit di mo napapansin na kailangan mo pala talaga ng tulong.

Hindi lang dapat tayo lagi ang nagpapadala, kundi dahil tayo ang nagiging Good example.

Nagiging honest lang ako, kasi minsan hindi talaga kita ma-realtalk, kasi madalas close-minded ka, na hindi lang lagi mabubuhay kasama ang lahat ng kaibigan, ng pera, ng saya, ng luho o ano. Lahat magwawakas yan, pero kung hindi tayo nagiging totoo sa harap ng lahat, lalo na sa Panginoon, hindi talaga tayo magma-mature at mag s-step up niyan.

Ito yung nakikita kong time na sabihin sayo lahat lahat ng na-oobserve ko, live your life ng may kasamang Honesty at Truth, sa buhay. Live your call, alamin mo yung pinaka priority mo,

I’m here to say na, ilang years ka narin nag wowork? Wala ka paring ipon? Alam ko ang pinag dadaanan mo pero what is “konting save” at priorities? Kung mismo sa sarili mong assessment, hindi worth it yung hirap mo kasi yung “sobra” mo, mapupunta narin in the end sa “wala”.

I’m sharing this kasi, galing rin ako dito. Hindi ko sinasabing perfect na buhay ko ngayon, pero nakita ko yung bawat purpose ng mga ginagawa, pinipili, sinasabi at sanasa Puso ko na NGAYON.

Ikaw, sana mahanap mo yung totoong “fulfillment” na GALING SA PANGINOON. Mahalin mo yung mga taong totoong mahal ka, sa hirap, sa saya, kahit wala kang pera, kahit hirap ka, kahit nagkamali, kahit nagkasala ka, kahit na sawi ka, Piliin mo yung handang “sumubok sa hirap” kasama ka kahit anong manyari. Kaibigang kahit alam niyang may nagawa kang kasalanan, tatanggapin ka parin niya, gaya lang Ni Jesus!

Still, Gusto ko lang talaga maging totoo ka sa nararamdaman mo “palagi” at hindi ko lang sinasabi ito for you, para rin sakin. Sana maging totoo ka sa mga taong totoo rin sayo, lalo na sa Pamilya mo. Walang ibang mas iintindi sayo kundi #1 ang Pamilya mo. At tinuring na rin kitang pamilya ko despite all.

I hope na maliwanagan ka at tandaan mo, hindi ka na bata, hindi na tayo bata para sa mga kung ano anong kagawaang bagay na binibigay ng mundo. Hindi tayo mag papaka immature o magpapa under sa mga bagay na di naman “Worth it” ipamuhay. Serious situation.

OBVIOUS MISTAKE, WITHOUT OBVIOUS ANSWER.

Isa isahin ko, Oo alam ko yung mga pinagdadaanan mo, as individual, sa family mo, general, pero paano mo nasabing “nagkamali ka ng best friend?” 

-Anong Major sin yung nagawa ko para masabi mong nagkamali ka ng naging kaibigan?

Wait lang. Anong “sabi mong saang lahi ako napabilang?”

-Hindi mo ba alam na parehas lang tayo ng pinang galingan?

**Offensive na ma-question ka ng tao kung saan ka napabilang? Pinaparating mong parang hindi tayo parehas nilikha ng Isa? Hindi ako pumipilosopo, pero para saan namang sabihan mo ko ng ganyan? Parang napag bibintangan akong “ginawa” ako at “napapabilang” ako sa lahing Makasalanan. Masakit!

I rebuked. Alam mo, i-try mo rin i-open yung heart mo. Tignan mo yung everyside ng sinasabi nating dalawa.

Open rebuke is better than secret love.

Hindi “lahat” ng magkakaibigan “Kayang” sabihan yung kapwa niya kaibigan ng katotohanan at di lahat “Kayang i-rebuke”.

I’ve known you for years, at alam nating pareho na hindi ko pa nagawang i-realtalk ka ng katulad nito. This is the time to tell you. 

Kaso, nasira mo. Salamat.

I hope maging winner ang Panginoon sa puso mo. Yung understanding na nanggagaling sa Kanya.

I am saying all about, from you, to you, and OFCOURSE, i-we welcome ko rin yung mga Open-rebuke mo, sa akin. Hindi ako others para hindi tanggapin lahat ng gusto mong sabihin para sakin, kasi Best friend kita, at lalo na’t hindi ako Perfect na tao.

Hanggang dito nalang. Salamat.

Ended 2020.