Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tapos na tayo diba
Pero bakit hindi ako makaahon sa katotohanan na wala na tayo.
Na tapos na lahat ng mga araw na ikaw ang mundo ko at ako ang buhay mo.
Lumilipas na ang mga araw mula nung naghiwalay tayo
Pero hanggang ngayon hinahanap hanap ko parin yung mga panahon na andyan ka.
Yung mga panahon na ako ang dahilan ng pagngiti mo at ikaw ang dahilan ng pagtibok ng puso ko.

Hindi ko kayang linlangin ang sarili ko sa katotohanan na hinahanap ko yung pagmamahal mo.
Na hinahanap ko parin yung tayo.
Kung panu ka nahulog sakin at pano ko sinabi sa sarili ko na “ikaw ang pinipili ko”.
Kung panu tayo nangako na mamahalin natin ang isat isa sa kabila ng mga nakaraan natin na di ko na naisip pang balikan.
Dahil ang mga nakaraan na yon ang nagturo sakin ng daan papunta sayo.

Pero tapos na tayo ngayon.
Wala na ang mga pangako na pilit na pinagtibay ng pagmamahalan natin noon.
Yung mga litrato at ala ala kung panu tayo nagsimula noon
Bawat linya ng kanta na tila lumalarawan sa pagmamahalan natin
Ngayo’y wala ng buhay tulad ng mga alaala na ngayo’y napatapon.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Alaala na ngayo’y sa panaginip na lang nagpapakita.
At sa pagmulat ng mata’y kailangan tanggapin na wala ka na talaga
at wala na tayo.
Masakit tanggapin pero ikaw parin ang laman nito…
Hanggang ngayon.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required