Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal, maraming salamat sa pagdating sa aking buhay.

Hindi ko akalain na mapapasaya mo ako nang ganito.

Naging masigla muli ang puso kong matamlay.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dahil napasaya mo ulit ang buhay ko.

 

Sa tuwing pupunta ako sa inyo,

Hindi ko dama ang isang oras na biyahe ko,

Ang dami na nating ala-ala na nagawa,

Sa komportableng tahanan n’yo.

 

Sa tuwing tititigan ko ang iyong mga mata,

Masasabi ko talaga na ang mga tala ay bumaba.

Ang iyong mga ngiti ay napakaganda,

Ang buwan ay kaharap ko na yata.

 

Ang masasabi ko lang ay maraming salamat,

Maraming salamat sa iyong pagdating,

Kahit hindi naging tayo,

Sana ang mga pangarap mo ay iyong tuparin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required