Minsan ka na nga lang umibig, bakit ganito pa? Inakala mong magtatagal, pero biglang naglaho na parang bula Akala mo seryoso, pero nagbibiro lang pala Hindi ko namalayan, nawala na lang bigla Mabilis lang baguhin ng pagkakataon Ang nararamdamang hindi napapanahon Kung sakali mang tumagal iyon, Madali lang lalamunin ng alon Wag magdagdag ng mga bagay kung ang oras ay hindi pa tama Hindi porket "pwede" ay nararapat na Hindi lahat ng "pwede" ay dapat kong ipilit pa Minsan, ang pag-iwas ang mas makakabuti sa ating dalawa Mahirap magpatawad kung puno ng galit Mahirap sumaya ang pusong puno ng pait Pakiramdam ko'y ipinagkait sa akin ang pag-ibig Tila hindi ko kinaya nung bigla siyang kumabig Mga salitang hindi naman niya pinanindigan Pinuyat, pinaasa, at pinakilig ako pero hindi pinanagutan Kaya natutunan kong hindi kasalanan ang magdahan-dahan Kailangang mag-ingat para hindi masaktan Madalas kong maisip na kailangan niya ako Madalas niyang iparamdam na mahalaga ako Pero iba talaga ang "mahal" sa "mahalaga" Bakit mo ako pinagmukang tanga? Ayoko nang manisi dahil kasalanan ko din naman Ayoko nang pumatak ang aking luha sa hindi ko naman dapat iniiyakan Akin nang papalayain ang sarili sa di makabuluhang kalungkutan Pipiliin nang umusad dahil yun ang kailangan Ngayon ang umpisa ng bagong simula Desisyon kong magpakita ng pagkukusa Hindi hahayaan na ang nakaraan ang magdikta Sasalubungin ko ng walang takot ang bagong umaga Mahirap man ang aking pagdadaanan Patuloy akong kakapit sa Panginoon na laging maaasahan Kahit kailan hindi Niya ako binitawan Hindi man ako perpekto, hindi Niya ako nakalimutan Patuloy pala Niya akong minahal kahit ang puso ko'y nasayo Sana noong una palang nalaman ko na ito Ang pagmamahal Niya lang pala ang kailangan ko Hindi ko pala dapat yun hinanap sa isang tulad mo Kaya ngayon ako'y magpapatawad na Dahil ako mismo ay pinatawad Niya Nakakatuwa dahil ngayon ako'y lumaya Sakit ng kahapon ay hindi na mahalaga Salamat dahil dumating ka sa buhay ko Mula noon napakaraming nagbago Hindi na ako ang dating "ako" Hindi na ako kontrolado ng pagiging marupok ko Wag kang mag-alala dahil ikaw ay kasama sa aking mga panalangin Sinadya mo man o hindi, alam kong nasaktan ka rin Nawa'y ang mga masasakit na ala-ala ay dumaan na lang, parang hangin Handang handa na akong ikaw ay patawarin At naniniwala akong darating din ang taong para sa'tin Hindi ko namalayan // 10.23.2018 // J.D.G.
Current Article: