HOW TO DEAL WITH FAILURES

1. ACCEPT IT. EMBRACE IT. FEEL IT.

  • Allow yourself na makaranas ng failure. Tao ka lang! Hindi ka perpekto. At walang taong perpekto. Mayaman o mahirap, nagkakamali at ang kadalasang pagkakamali natin is nagle-lead sa failure. But it depends on the person kung tatanggapin nya ba yun or hindi.
  • Yakapin mo lang. I-enjoy mo yung season na nag-fail ka. Ramdamin mo. Okay lang maging malungkot pero tatandaan mo, hindi okay tambayan ang lungkot.
  • At kapag naramdaman mo nang nag-fail ka. It is time to think ano na bang next gagawin mo. Mamili ka kung mags-stay ka sa kulungan ng kalungkutan o lalabas ka kase alam mong may magagawa ka pa.

Minsan kase puro tayo paawa. Totoong nakakaawa pero hwag mo hayaan yung sarili mo na ganon na lang gagawin mo sa buong buhay mo. Galaw galaw boi! Hindi ka mags-succeed kaka upo at kakaiyak mo.

2. CHOOSE TO BE POSITIVE.

  • Nakakalungkot. Nakakainis. Nakakawalang gana. Yes! Pero mas piliin mo maging positibo! Ano ka, nag fail ka na nga tapos hahayaan mo sarili mo malugmok?
  • Always remember na hindi lang ikaw yung nagfa-fail sa buhay. Hindi ka nag-iisa. Sadyang nagkataon lang na nakailang beses ka na pumalya. But ang mahalaga, wala kang tinatapakang tao every time you failed.
  • It is better to think happy thoughts than lunurin mo ang sarili mo kakaisip ng mga malulungkot na pangyayare. Hindi pa katapusan ng mundo noh!

Never na never kang magpaalipin sa kalungkutan. Isipin mo na lang yung mga bagay na pwedeng mangyare kapag nakamit mo na yung tagumpay na inaasam asam mo.

3. TRY AGAIN.

  • Gawin mo yung best mo. Kung nag fail ka because alam mong kulang yung nagawa mo, edi dagdagan mo yung effort.
    Mag iba ka ng strategy kung alam mong nagfail ka because sa past strategy mo.
  • Humanap ka rin ng mga taong alam mong makakatulong sayo. Kase sometimes, hindi natin to kaya mag-isa.

Mapapagod at mapapagod ka. Okay lang magpahinga saglit. Pahinga ka lang tapos bangon ulit. At least alam mo sa sarili mo you are trying everything you could do para maging successful ka! At least hindi ka sumuko.

4. FAILED AGAIN? THEN GO BACK TO NUMBER 1.

  • Hangga’t humihinga ka, gorabels lang sis! Try and try until you die. No! Pano kung namatay ka ng hindi ka nag success? Try and try until you succeed!
  • Hangga’t humihinga ka, go lang! Wag kang magpaapekto sa mga pagsubok. It’s time rin na paniwalaan mo naman na yung sarili mo na kaya mo.
  • The most important thing here is TULUNGAN MO YUNG SARILI MO. Kasi kung hindi mo tutulungan sarili mo, wala rin. Magfa-fail at magfa-fail ka lang rin.

Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi tayong magtatagumpay. Tandaan mo na lang na lahat ng bagay ay may process at ang failure is kasama sa process para tayo ay magtagumpay.

What if kung never tayong nagfail? Ganyan ka kaya katatag ngayon? Ganyan pa rin ba ugali mo ngayon? Yung mga taong nasa paligid mo, sila pa rin kaya hanggang ngayon? Odiba?

Okay lang naman na seryosohin mo yung pagkabigo mo. Pero mas okay din naman na seryosohin mo yung pagbangon mo.

PS. Okay lang sumuko. Hindi porket sumuko ka ee ibig sabihin talo ka. Minsan kailangan mo sumuko para makita mo yung mga bagay na nandyan na sa tabi mo, hindi mo lang pinapansin.

PPSS. Isipin mo rin kung para sayo talaga yung bagay na pinaglalaban mo. Baka mamaya pilit ka ng pili e hindi naman pala para sayo. Ee meron palang mas better na nakalaan para sayo!!!

Sabi nga sa Jeremiah 29:11

“For I know the plans I have for you.” Declares the Lord, “Plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope and a future.”

Hintay hintay lang bes! Si Lord ang bahala sayo

Also, I just want to ask you guys to SUBSCRIBE on my YouTube channel: https://www.youtube.com/c/CJSalundagaTV

By Negro

Civil Engineer

Exit mobile version