Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“ISA KANG TOURIST SPOT”

Ganito yan bes, di ka ba nagtataka bakit yung mga pinakamagagandang lugar sa Pilipinas madalas tago, malayo, at hindi basta-basta mabibisita–unless nalang kung gagawa ka ng paraan para mapuntahan iyon at makita. Diba may effort?

Yung mga falls na ilang kilometro pa ang lalakarin para lang mapuntahan. Yung mga bundok na matatarik pero pag naakyat mo na ay may isang magandang tanawin ang naghihintay sayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Diba mas masarap sa pakiramdam yung pinaghirapan mo kasi sa dulo mas naaappreciate mo yung ganda niya at mas hindi mo basta-basta makakalimutan yung lugar na yun. Lahat ng tanawin maganda dahil wala naman pangit na ginawa ang Diyos. Iba-iba nga lang ang lalim ng ganda nila.

Yung iba nakatago at madalas yun ang talagang kahanga-hanga. Alam mo ba na yung mga magagandang tanawin hindi na kailangan ng atensyon para mapansin dahil natural na maganda na sila at kahanga-hanga? Sila mismo yung dinidiskubre. Pinaghihirapan na mapuntahan.

Kaya ikaw, para kang isang tanawin. Maganda, nilikha Niya, at dapat mas nangingibabaw ang nakatagong ganda. Hayaan mo na paghirapan ka hindi dahil sa gusto mo silang subukin kundi dahil alam mo sa sarili mo na isang magandang paraiso naman ang naghihintay para sakanila. Wag mong ibaba ang iyong halaga.

by Rain Martinez

P. S.

I suggest yung mag ma-migrate to be with you at hindi yung turista na come and go.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required