• Di matahimik ang kaluluwa ko
    Ano ba ang totoo?
    Kami ba’y pinagsabay mo?

Panahong nilalandi mo na ako,
May ibang babae pa palang nag papa tibok sa puso mo,

Isang malaking question mark talaga sa isip ko kahit noon pa man, na kahit kelan hindi ako ma satisfy sa sagot mo.

Mga panahong halos araw araw mo na akong chinachat, andaming online at hindi naman tayo close pero sakin ka nag tatanong kung may teacher na ba. Mga panahong, naging malapit tayo sa chat, mga panahong nag aasaran na at mga panahong nag kwekwento ka na ng problema sa buhay mo. May mga shared post ka, akala ko para sakin, medyo assuming pero kasi ang sweet mo sakin. Hanggang isang araw biglang hindi ka na nag paramdam, biglang isang araw hindi ka nag chat. Binaliwala ko naman. Hanggang isang araw bago ang aking kaarawan, muli kang nag paramdam. Humihingi ng tawad kasi sabi mo baka na feel kong “ghinost” mo ako. Panahong di ko pa alam yung temang yun. Pero oo, ghinost mo ako. Pero ang nakkaapag taka, kinausap mo ako gamit ang second acct mo. Hmmm something’s fishy, binati mo ako at pinapasend mga shared pics natin. Bakit? Kasi convo natin ay dinelete, dinelete mo? Dahil may makakakita? Haha bigla akong naguluhan ng isang beses nag drama ka. Akala ko talaga ako ang dahilan pero nagulat ako iba. Hahahah na confuse ako. Na confuse ako sa mga pinakita mo, sa.mga usapan natin, habang ang saya natin mag kausap, may ibang babae ka din palang kausap? Niloko mo siya at niloko mo ako, yun ang pakiramdam ko, pero never mo inamin. Sabagay sino nga bang manloloko ang aamin na niloloko ka? Hays. Mga panahong inaasar mo ako, panahong bumabanat ka sakin, gamit second acct mo, nagtanong ako, bakit yun gamit mo? Sabi mo, “toxic na kasi, kaya dito muna” hmm. Talaga ba? Hanggang sa nag drama ka nanaman, dun ko nalaman, may ka MU ka pala, habang sa usapan natin ay parang may iba kang pinapadama? Lumayo ako, naging cold ako sa’yo kasi ayokong sirain ang relasyon na binubuo niyo. Pero bakit ganun? Naging malabo kayo dahil yung kasintahan mo ay may ibang gusto? Yun ang sabi mo, pero antanga ko, dahil na realize ko, habang may kayo, nag uusap tayo? Naguguluhan na ako. Sabi mo, one sided naman kasi kayo. Nagsawa na siya, kaya naman nawala na. Napagod ka na kaya itinigil niyo na. Nawala ulit ang komunikasyon natin dahil pakiramdam ko, isa ako sa dahilan bakit. Hanggang sa nagpaparamdam ka nanaman. Naging mag kaibigan. Hanggang sa tayo naman ang nag kaibigan. Lagi mong sinasabi na bago mo siya nagustuhan, ako ang naunang pumukaw sa mga mata mo pero sabi mo, naging duwag ka kaya naman hinayaan mo ito at hindi ako ginulo. Hay ano nga ba talaga ang totoo.. tuwing tinatanong ko ito, walang sagot na diretso.. baka naman, pinaglaruan mo lang ako? Oo, di ko maipag kakaila na naging malalim ang nararamdaman natin sa isa’t isa, pero di ako mapakali, nababagabag ako sa kung paano tayo nag simula. Hay. Ano ba talaga ang totoo? Bakit mo nga ba ako sinuyo? Hmm.. totoo ba mga una mong pinakita?