Kamusta ka naman dyan?

Kamusta yung klase mo, yung araw mo?

Naka-kain ka naman ba o maghapon kang tumambay sa Mcdo habang iniinom ang large vanilla iced coffee mo?

Ang dami kong tanong no? Gustong gusto kasi kitang kamustahin, pero di ko magawa.

 

Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para satin.

Alam kong focus ka sa pag-aaral mo, sa relationship mo kay Lord.

Kaya susuportahan kita, tutulungan kita, ipagdadasal kita. 

Sana lang, wag kang magbabago, wag magbabago yung nararamdaman mo.