Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kamusta ka?

Dalawang salita pero lampas ilang libong kasagutan ang nais kong mapakinggan. Sa mahabang maghapon na hindi tayo nagkaroon ng usapan. Nanaisin ko paring tanungin kung ano ang nangyari sa iyo buong araw. Hindi. Hindi ito sa kung ano ang iyong mga ginawa. Ito ay kung paano mo sinuong ang mga bawat segundo at oras na sa tingin mo ay hindi mahalaga. Sapagkat nais kong malaman na kahit walang nagbago sa pang-araw-araw na siklo ng buhay mo, hindi ako mapapagod makinig…sapagkat sa aking tenga, isang musika ang mga bagay na naglalahad ng patungkol sa’yo

Send me the best BW Tampal!

* indicates required