Kapag ang kutsara o tinidor ay mahulog, sinasabi natin na may taong dadating at kakatok. Kapag barya naman ang nahulog, hindi lang kung sino ang makahulog ang tiyak na pupulot… panigurado kahit sino pupulutin ang barya, dahil alam nila ang halaga; may halaga…
Minsan ang Tao katulad ng mga bulaklak, may panahong kusa tayong mahuhulog mula sa kinakapitan na’tin. Minsan, may sandaling ang mga bulaklak na namukadkad; yung tipong pupulutin kapag nakita mo sa daan dahil ang ganda nito agad itong pipiliin. Pero may mga bulaklak din na nahuhulog sa panahon na sana hindi pa; sana hindi pa nahulog, dahil walang kasiguraduhan kung may pupulot ba. Sino nga ba ang mabibighani sa isang bagay na makikita niya sa daan, kung hindi naman ito kaagaw agaw ang pansin— kung hindi naman ito ang hanap niya.
Ako sa’yo ay parang bulaklak. Hindi ko alam kung pupulutin mo ba ako sa sandaling makita mo akong nahulog na sa’yo o hihilingin ko nalamang ba… Na wag pa sana akong mahulog ng tuluyan dito sa kinakapitan ko, dahil baka lagpasan mo lamang ako. Dahil hindi katulad ng ibang bulaklak, hindi naman matingkad ang kulay ko… Hindi ako ang taong tipo mo.
Ngunit sa huli, aasa parin ako na kapag nahulog ay pupulutin mo.