Kapit

Pagsakay ko sa jeep kanina
Ang sikip yung tipong onting usog na lang mahuhulog ka na
Yung tipong kailangan mong magkunwaring nakaupo ka pero ang totoo, malalaglag ka na
Yung tipong ikakapit mo na lang kesa mahulog ka

Kumapit ako
Hinawakan ko ng maghigpit yung sabitan
Ang tagal kong nakakakapit
At taimtim na humihiling na sana may bumaba na
Na sana makarating na ako sa kung saan man para hindi na ako mahirapan at magkunwaring nakaupo

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Hanggang sa nangalay ako
Namitig ang mga braso ko
Namula ang kamay ko hanggang sa humapdi ito

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Kumapit at humawak ako ng sobrang tindi kahit na ramdam ko ang hapdi at kirot
Kumapit ako at humawak nagbabakasakaling baka ako rin ay masanay

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Hanggang sa hindi ko na kinaya
Hindi ko na kinaya kaya bumitiw na ako
Sa pagbitiw ko tska naman may bumaba
Kung kelan handa na akong mahulog tska pa may bumaba
Kung kailan nasaktan na ako at sumuko tska pa may bumaba

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Pero bumitaw ako
Bumitaw ako kase sobrang sakit na
Sa pagbitaw ko tska ko naramdaman ang sobrang tinding hirap at sakit
Namitig ng matindi ang mga kamay ko at sa paglipas ng minuto
Naghilom ito, nawala ang sakit at ngalay
Mas mabilis mawala ang sakit kapag bumitaw ka pala
Mas mabuti na nga sigurong bumitaw kaysa manatiling kumapit
Dahil ang pagkapit minsan mas masakit pa sa pagbitaw
Lalo na kapag ikaw lang ang nagiisang kumakapit

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Kaso bumitiw ako

Pag baba ko ng jeep
Doon ko napagtanto na marahil nawala nga ang sakit, naalis man ang pamimitig
Lahat ng alaala at pakiramdam na minsan ko ng ipinilit na ipagsiksikan ang sarili ko sa lugar na alam ko naman na wala ng natirirang espasyo para saakin

Kaya naman itinaas ko ang aking kamay at muling pumara
Huminga ako ng malalim bago tuluyang ihanda ang sarili ko sa panibagong paglalakabay
Hinakbang ko ang mga paa ko at tuluyan na itong natigil at naupo

Pagsakay ko sa jeep
Napangiti ako dahil napagtanto kong ako lang pala ang sakay nito
Hindi ko na pala kailangan pang makaramdam ulit ng sakit at hapdi para lang magkasya at ipilit ang sarili na makaupo

Pero kagaya ng paglipas ng panahon
Ilang metro palang ang layo ay may mga pumapara na hanggang sa nakakaramdam ulit ako ng takot na baka kailangan ko na namang danasin ang pait at sakit ng pagkapit

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako susuko kahit anong ngalay pa ang idulot saakin ng pagkapit
Hanggang sa nararamdaman ko na ang unti unting pamimitig at pamumula ng aking mga kamay sa tindi ng aking pagkapit sa takot na baka kailangan ko na namang bumitiw

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Ang tagal kong kumapit at humawak na sa sobrang tagal ay di ko namalayan na hindi na lang pala pawis ang natulo saakin kundi pati mga luha na dulot ng sobrang pait

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Pero sumigaw ako ng sobrang lakas
“TAMA NA ITIGIL NA NATIN TO”
Napatingin ang lahat saakin sa biglaang pagsigaw ko at malakas na pagpreno ng jeep
Na parang kasalanan ko pa kung bakit kailangan ko na tumigil na, na parang pagkakamali ko pa na sumuko na

Kumapit ako
Hinawakan ko ng mahigpit yung sabitan
Pero dali dali na akong bumitiw at bumaba sa jeep na kung saan lagi na lang ako ang kailangang magadjust
Nagulat ako ng tawagin ako ng driver at ang akala ko ay hihingi ito ng tawad sa lahat ng sakit, pait at ngalay na tinamo ko sa pagsakay dito

“Miss, hindi ka pa nagbabayad”
Napatawa ako hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa inis na bakit ko kailangang magbayad
Bakit ako pa ang kailangang magbayad sa lahat ng sakit na dinulot mo?
Bakit kailangang ako pa ang magbayad sa lahat ng paghihirap at pagtitiis na ikaw ang may gawa?

Hanggang sa napagod na siyang singilin ako at tuluyan ng pinatakbo ang jeep at habang unti unti itong lumalayo
Doon ko naramdaman yung bigat na mas masakit pala ang maging una kaysa huli

Kapag huli kang pasahero ng jeep dahil nahuli ka rin ng gising ay medyo matatanggap mo pa kung bakit kailangan mong makipagsiksikan
Ikaw ang nahuli kaya mas madali para sayo na malaman na ikaw ang mali at ikaw ang siyang nagkukang
Mas madaling tanggapin ang sakit pag alam mong ikaw ang may mali

Pero ang mauna at maramdamang parang ikaw parin ang huli ang pinakamatinding sakit na maaari mong danasin
Ang hirap na ikaw na ang nauna pero kailangan mo paring makisiksik
Ang hirap pag ikaw ang nauna at naghanap parin siya ng iba
Ang hirap pag ikaw ang nauna pero pakiramdam mo ikaw parin ang kailangang magdusa
Ang hirap kapag ikaw ang nauna pero pakiramdam mo ikaw parin ang kahulihan

Kaya mas pinili ko na lang ang maglakad
Mas pinili ko na lang na huwag ng kumapit at humawak dahil ayoko ng maramdaman ang sakit at ngalay na dulot nito
Naglakad ako at tahimik na pinagmasdan ang paligid
Naglakad ako at napagtantong hindi parin pala ako nagiisa kahit na naglalakad na lang ako
Pero hindi gaya nung una, hindi ko na kailangan pang makisiksik sa paglalakad
Hindi ko na kailangan kumapit at humawak ng mahigpit para lang hindi mahulog
Hindi ko na kailangan pang magtiis at magkunwaring nakaupo

Kaya naglakad na lang ako
At patuloy na maglalakad hanggang sa hindi ko na kailangan pang pumara
Dahil sila na mismo ang hihinto at pasasakayin ako na hindi ko na kailangan pang kumapit at humawak ng mahigpit para lang manatiling nakaupo
Dahil sila na mismo at sila naman ang kakapit at hahawak ng mahigpit hindi sa hawakan kundi sa puso ko na alam kong pagod na sa paglalakad at kailangan na ng pagalalay

Hindi man ngayon, pero bukas o sa makalawa alam kong ako ay muling sasakay
Pero hindi na ako mangangalay,
Hindi na ako mamimitig,
Hindi na ako masasaktan,
Hindi na muling mararamdaman ang sakit ng pagsiksik at pagpupumilit.

Handa na akong magpatuloy sa paglalakad,
At huminto upang sumakay ulit.

Exit mobile version