Know Your Boundary
Categories Relationships

Know Your Boundary

Narealize ko lang na ang dami kong sinayang na oras since I tried Tinder last Sept. Gusto kong mgdrama. May mga natutunan naman ako kaso mali talaga. Sana hindi ako naginvest ng time and attention to those people na nakilala ko lang through online. Gusto kong maging matatag at isipin sana di ko nalang tinary pa. Sana tinulog ko nalang kung ayoko manuod ng anime or kdrama. Sana hindi ko nalang inatempt na magshare ng life ko sa stranger. Akala ko okay lang pero hindi pala kasi wala naman silang pakialam. Lesson learned to lahat and last na’to. Sana hindi ka narin magreply para tapos na. Gusto ko na bumalik fully sa dating ako. Dating ako na busy sa mga kung anu-anong bagay. Dating ako na ang phone ay para sa Spotify at alarm lang. Yung wala akong hinihintay na reply unless school related. Dating ako na hindi nagchecheck ng status kung online kaba sa messenger or viber. Naflatter ako sa calls and mahahabang message mo pero wala lang pala sayo yun. Mas nalulungkot ako sa ngayon kesa sa mga stranger na hindi na nagreply noon. Kasi kahit papaano marami tayong pagkakapareho mula sa anime, sa mga gusto, kaugali mo kapatid ko at parang tayo ay pinagbaliktad lang dahil may kapatid kang babae. Sa totoo lang gusto ko yung background mo kaya lahat ng nirereto mo kahit pinsan mo inayawan ko kasi gusto ko ikaw kaso hindi naman ako ang gusto mo. Wala eh madali kang mgkagusto sa mga magaganda. Maybe we’re not meant to be by Lord. Maybe dumaan ka lang sa life ko para marealize ko na ganito pala ako kapag nagkagusto sa tao. Gusto laging kausap. Gusto laging nangangamusta. Ayoko na. Kailangan totohaning ayoko na. Hindi ko magawang iblock or ignore ka fully kasi ako naman ang may mali. Iba magisip ang lalaki sa babae. At dahil sinabi mong busy ka, me too I will keep myself busy para malimutan na kita. Kunyari walang nangyari kahit hindi naging tayo, kailangan kong makamove on. Kailangan kong mabuhay para sa sarili at mga pangarap ko.