Bibitawan na ang panulat

Pagpapahingahin ang mga kamay na ngawit

Tutal tuyo narin naman ang isip

At ang papel ko’y basa narin

Hihinto na sa pag iisip at puso ay kusang pipikit

Pipikit upang di na mapanood pa ang sining mo sa pananakit

Hindi na ako maaakit

Pipilitin kong di na maramdaman ang sakit

Ang isinulat kong awit ay isang musika nalang sa panaginip.

Ihihinto ko narin ang sa isip ko ika’y iukit

Sapagkat sa puso mo’y may iba na palang nakasungkit

Sa paglaban ko sa labang ako ang talunan

Maaari bang ako nalang ay magpaalam.

Paalam dahil ako ay pagod na

Paalam dahil alam kong masaya ka na.

Hindi na ako aasa pa

Dahil una palang alam kong ang maging TAYO ay malabo na.

Ibabaling ko na lang ang oras at atensyon ko sa pagpapakadalubhasa

Baka sakaling dito ko matagpuan ang panlunas sa sakit na di ko naman inakala.

O sya, hanggang dito nalang ang liham ko.

Sapagkat alam kong hanggang dito nalang din ako,

Hanggang kaibigan nalang ako.