Ang bakas ng nakaraan
Ay hirap malimutan
Pusong puno ng pagod at sakit
Ang kaligayahan ay tila pinipilit
Ninais ng sumuko
Dahil ‘yon ang sinasambit ng mundo
Buhay na maaaring magwakas
Biniyayaan ng bagong bukas at lakas
Sa tuwing nababalot ng dilim
Pinatatahan mo sa dakong lihim
Ramdam ang iyong yakap ng pagmamahal
Tumutugon sa aking dasal
Ngalan ko’y iyong tinawag
Upang masilayan ang liwanag
Mula noong ako’y iyong natagpuan
Buhay ay binigyan ng kahulugan
Sa kabila ng mga kasalanan
Ipinaranas mo pa rin ang iyong kabutihan
Mga tagumpay na handog mo
Patunay lamang ng katapatan mo
Lahat ng hirap ikaw ang umako
Matupad lamang ang iyong mga pangako
Sa mundo ay laging talo
Ngunit sa piling mo ay laging panalo
Sa pag-ibig mo ay nakuntento
Puso ay hindi na muling susuko
Sa pag-ibig mo na sapat at tapat
Lubos ang aking pasasalamat