Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Totoo pala, mahirap pigilan kapag nahulog kana.
Kahit nakabitin ka pa lang pero kapag naramdaman mong masaya ka, hindi mo na namamalayan and hindi mo na napapansin na unti unti ka ng nahuhulog, unti unti ng lumalalim, hanggang sa di mo namamalayan e unti unti kana din palang nalulunod.
………………………………………………..
Nung nakita kita sa social media, napansin lang kita na biglang pakiramdam ko kailangan mo ng kausap, kaya eto ako nagpakilala sayo.
Nag usap tayo madaming bagay bagay kasama na don ay … malungkot ka nga. Malungkot ka dahil sinaktan ka ng taong minahal mo ng sobra. At eto ako kinulit ka, biniswit ka pero pinangiti ka.
Hindi pinlano na mahalin ka ng husto, ang gusto ko lang naman e makilala ka ng sakto.
Hanggang sa araw araw at gabi gabi magkausap na tayo. Lumalim ng lumalim hanggan sa nakilala ka ng husto. At nung nakita natin ang isat isa sobrang saya at komportable nating dalawa na kulang yung ilang oras lang na magkasama tayong dalawa. Kaya naulit ng naulit. Hanggang minahal natin ang isat isa.
Isang araw tinanong mo ko. “Ano ba tayo?” “Gusto ko ng may label. “
Ang sagot ko lang. “Hindi ko alam”, “Ewan”, “Kailangan pa ba yon?”, “Ang importante masaya tayo”.
Una palang kase alam ko naman na sa sarili ko na hindi dapat, hindi kaya at hindi pwede e. Hindi, kase alam ko hindi pa sya tapos magmahal sa isa. Kaya eto yung tama.
At ayun na nga lumipas yung maraming araw at buwan hanggang sa unti unti ko ng nalalaman at unti unti ko ng nararamdaman na ginagago na ko. Ginago Ako.
Pero ako tong si tanga, tumalon ng walang salbabida.
Tama nga ako ! hindi ko sya pwedeng mahalin kase mali, kaya eto OLATS na ko kase hinayaan kong mahulog yung sarili ko.
Bumalik na sya sa dati nya. Iniwan nya na yung taong nagpasaya sakanya nung mga panahong malungkot sya. Yung tumanggap sakanya kahit na mali sya.
At ako, eto padin lunod na lunod na.
“Anong karapatan ko masaktan? magalit? manumbat? Bakit ka malungkot? ” Andaming tanong sa utak ko na sinasagot ko para sa sarili ko.
“Minahal ka ba nya? Minahal ka ba talaga?” Andami ding tanong sa utak ko na hindi ko din masagot.
Andaming “What ifs”, “Bakit” at “Sana”.
pero isa lang ang alam ko. Nagmahal ako ng totoo, nagmahal lang ako, Minahal ko sya at hanggang ngayon mahal ko parin sya …
MAHAL KITA KAHIT NA MALI KA.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required