Muli na namang lilikha para sayo. 
Mga salitang gustong bigkasin ko
Pero paano?
Hindi pa nga tayo pinag tatagpo.

Kailan nga ba?
Paano magkikita?
Saan makikilala?
O baka kilala na.

Basta, hihintayin kita. 
Hihintayin ko yong araw na itinakda. 
Itinakda para tayo’y mag kakilala. 
O baka kilala na nga.

Maghihintay ako. 
Katulad ng aso na naghihintay sa kanyang amo.
Magiging tapat ako, 
Pangakong ikaw lang ang hihintayin ko.

Lumipas man ang mga araw, buwan at taon
Andito pa rin ako. 
Matiyagang maghihintay sayo. 
Dahil alam ko, dasal ko’y magkakatotoo.