Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Alam niyo ba kung ano ang pinakamasakit sa lahat?

Yun yung nagmahal ka ng tao na alam mo sa sarili mo na hindi mo makukuha kasi may mahal na siyang iba pero kahit ganun mas pinili mo pa din maghintay at umasa na one day makikita niya yung worth mo sa buhay niya. Makikita niya na mas deserving ka sa taong minahal niya.

Competition kasi yan. Nakikipagpaligsahan ka sa BF/GF niya. Ang kaso ikaw ang laging talo kasi kahit anong effort ang gawin mo, hindi ka pa din niya mamahalin, umaasa ka lang na siguro pagdating ng panahon marerealize niya na mahal ka niya na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pinapaasa ka. Naghihintay ka kasi may mga pinanghahawakan kang mga salita tulad ng “Siguro kung ikaw yung jowa ko” at “Kung single lang ako, sasagutin kita.” Bukod sa mga ganitong salita, pinaasa ka sa mga sweet gestures tulad ng holding hands, kiss and magkausap kayo till midnight. Pero ‘wag din tayong assuming kasi baka mamaya nasanay lang siya na ganun siya.

SOBRANG NAHULOG KA NA SA KANYA. Alam mo din naman na walang sasalo sayo pero patuloy ka pa din nahuhulog. OO masakit. Sobrang sakit. Pero kahit na masakit, nararamdaman mo na masaya ka, masaya ka na nakakasama siya. Siguro sa ngayon kuntento ka, pero dadating ang araw na maghahanap ka na ng LABEL sa kung anong meron sa inyo para alam mo din kung anong lugar mo sa buhay niya.

Pero sa lahat ng nangyayari ngayon, masasabi ko pa din na worth to wait pa din siya, kasi mahal mo, masaya ka pa kahit masakit. Kung sakali man dumating yung panahon na maging kayo, alam ko na alam mo na ikaw yung pinaka magiging pinakamasayang tao sa mundo kasi yung taong hinihintay mo ay sayo na ngayon, may label na kayo, mahal ka na din niya.

—–

Tulad ng nararamdaman ko ngayon, patuloy na nagpapakatanga para sa kanya, patuloy na nagmamahal kahit ang sakit na. Kasi alam ko nagmahal lang naman ako at sigurado ako kaya ko pa din maghintay kahit ilang taon pa.

Kaya kung alam mo sa sarili mo na ikaw yung mahal ko, ang swerte mo kasi may isang taong naghihintay sayo at nagmamahal sayo kahit na may mahal ka pang iba.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required