Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal, tanda mo ba?
Kung gaano ka kasigasig nung nanliligaw kapa
Sobrang grabe ka,
Maging ibang lalaki hinangaan ka.

Kaso kay bilis mo namang sumuko
Ang bilis mo namang nagpatalo
Usapan natin sa bagong taon hihintayin mo ang sagot ko
Pero mahal ko disyembre palang bigla ka nang nagbago.

Ang dating chat mo na nakakakilig
Bakit bigla nalang nanlamig?
Yung dating kahit walang salitaan
pero may ngitian,
Bakit ngayon parang nauwi na sa iwasan?
Bakit di ka lumaban?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung sana, di ka bumitaw
Kung sana bagong taon ay iyong pinalipas,
Sana nalaman mo ang sagot ko
Sana nalaman mong sa puso ko ikaw na ang tinitibok nito.

Kaso hindi, dahil ika’y nagbago
Pati pakikipag usap mo’y tila ba di na ganado
Na animo kahit makausap ako pilit na sayo
Na kahit simpleng ngiti’y pinagdadamot mo

Pasensya na ha.
Pasensya na kung nasaktan kita
Di ko naman ginustong maguluhan ka
Pero di ko rin inasahan agad na bibitaw ka

Mahal, wag mong alalahanin ha
Sa puso ko’y di kailan man sumagi na sisihin ka
Dahil alam ko namang kahit paano’y kasalanan ko rin to
Kahit paano’y ako din ang dahilan nito

Pero nawa maunawaan mo,
Kung hanapin ko na sa iba ang kasiyahan ko
Kung sakaling sa susunod na pag uusap nati’y iba na ko
Baka kasi may iba nang nagpapasaya sa puso ko.

Desidido na kasi ako ngayon,
Na mga sagot na dapat noon sayo naaayon,
Ay sasambitin ko na dito, “Oo handa na akong sumugal, tara subukan na natin” giliw ko.
Kaso ngayon di na yan para sayo,

Send me the best BW Tampal!

* indicates required