Miss Na Naman Kita
Categories Poetry

Miss Na Naman Kita

Heto, miss na naman kita

Ilang distansiya ang layo natin sa isat isa

Iisa pa rin naman ang oras nating dalawa,

Pero tila magkabilang mundo kung ika’y umasta

Nais ko lang naman marinig ang tinig mo

Sambit ang mga salitang gusto ko.

Subalit tila hinagap na lang ang lahat

Pagkat hindi ko naman alam ang nais mong iparating

Pilit kong nilalabanan ang hinagpis

Hiwa sa dibdid na rinig ko ang tunog ng telepono

Ngunit hindi mo naman sinasagot eto

Tanong ko lang, iniisip mo rin kaya ako?

Sa mga oras na miss kita?

O tila ako sayo ay bahid na lang ng isang alaala

Pilit nag susumiksik

Nakaka inis at hindi mabura2x.

Paano ba kasi ang hindi ka ma miss?

Dapat ko bang burahin ang mga mensahe?

O ang mga litratong naka save sa gallery ng aking telepono?

Bawat hakbang ko kasi paatras,

Yung mga alaala nating magkasama

Ang madalas magtulak sa akin pasulong

Kaya ngayon mas mabuti sigurong

Gumawa na lang ako ng bagong mga alaala

Nang ako lang mag-isa.

Mula ngayon pipilitin kong sanayin ang sarili kong maging okay sa panahong

gustong-gusto kong makasama ka.

Para sa panahong magbalik ka

Kaya ko nang sabihin na,

Miss pa rin naman kita

Pero sa panahong ito,

Gamay ko na ang damdamin ko.